Kabanata IV

145 30 0
                                    

Pagkatapos bumili ng makakain si Red ay nagmadali siyang bumalik sa loob ng silid-aklatan. Pagdating niya ay agad pumunta siya sa kinau-upuan ni Ursula kanina. Ngunit laking pagtataka niya ng makitang wala na ito sa inuupuan at tanging lumang libro lamang na nakasarado ang naiwan sa mesa nito.

Nagtaka siya kung bakit nawala ito. Alam niyang hindi basta-basta iyong umaalis at kung aalis man ay hindi ito ugaling mag-iwan ng aklat. Napansin niya rin ito na dalawa lang ang lugar na pupuntahan dito sa paaralan. Library at Cafeteria lamang iyon. Sigurado siyang wala sa Cafeteria sapagkat doon siya galing.

Nag-isip ng malalim si Red. Siguro nga'y may emergency na nangyari. Kung kaya't naiwan nito ang aklat.

----------------------------------------------------

Kasalukuyang naglalakad si Ursula sa gitna ng malawak na bukirin. Bitbit lamang ang mapa na napulot niya pagdating sa lugar na hindi niya alam kung saang bahagi ito ng bansang Pilipinas. Isang kulay asul na bag na nakasabit sa likod niya at suot ang kulay puti na fitted shirt at sa pang-ibaba ay skinny jeans. Isang tanong ang namumuo sa kaniyang isipan.

Bakit ako nakasuot ng ganito?

Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakasuot ng fitted white shirt at skinny jeans. Sa 'twing walang pasok o di kaya'y namamasyal siya sa mall o kahit saan ay parati niyang sinusuot ang maluluwag na damit at sa pang-ibaba ay saya at kung minsan ay naka-whole dress siya.

At isa pa, bakit napadpad siya sa lugar na hindi niya maisip na makakapunta siya. Ibang klase nang tingnan niya ang buong paligid. Sa probinsya lang mayroon ang klaseng lugar na ito.

Nasa paaralan siya noong huli niyang maalala ang lahat. Naka-suot pa siya ng uniporme sa oras na iyon.

Anong nangyari? Nanaginip ba ako?  Nagugunaw na ba ang mundo?

Sunod-sunod na tanong na nabubuo sa isipan ni Ursula. Hindi niya maisip kung bakit siya napunta rito. Sinampal at kinurot niya ang sarili upang malaman kung totoo ba talaga ang lahat na nangyayari. Inakala niyang panaginip ito ngunit nasasaktan siya sa mga pinagagawa niya. Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Totoo ang lahat ng 'to!"

Gulat na sigaw ni Ursula. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"I can't take this anymore."

Nagsimula ng namumuo ang mga luha sa gilid ng mata ni Ursula. Hindi niya maisip na hahantong siya sa ganitong pangyayari. Pangyayaring hindi niya maisip na mararanasan niya sa buong buhay niya.

Nagsimula siyang maglakad at nagbabaka-sakali na may makita siyang bahay sa lugar na iyon. Umaasa siyang makakabalik din siya sa kanila. Isa't kalahating oras ang ginugol niya sa paglalakad ngunit tanaw na tanaw niya na walang katao-katao sa lugar.

Nagsimula na siyang kabahan at nakaramdam ng takot. Takot na baka may mga mababangis na hayop o di kaya'y mga kumakain ng tao. Naiisip pa lang niya na kakakainin siya ay nasusuka na siya.

Binilisan ni Ursula ang paglalakad at ilang sandali ay nakaramdam na siya ng pagod at pagka-uhaw dahilan na rin sa init ng araw na tumatama sa kaniya.

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa tuhod niya at naghahabol sa kaniyang hininga. Pagod na pagod na siya ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. May tiwala pa rin si Ursula na makakabalik siya sa lugar kung saan siya nanggaling.
Agad na tumayo siya ng matuwid at sabay nilasap ang preskong hangin na tumatama sa mukha niya at dahilan na lumilipad ang buhok niya.

"Kaya ko 'to!"

Buong tapang wika niya at kasabay 'non ay nagpatuloy siya sa paglalakad sa kabila ng nakakapasong init na nagmula sa araw.

Mayamaya ay nakarating siya sa isang malawak na lupain. Lupain na napupuno ng mga mais na pananim. Mga mais na kulay dilaw at handa ng anihin. Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Ursula. Isa lang sabihin sa nakikita niya. May malapit na bahay dito sapagkat mayroong pananim.

" Magandang Umaga, Binibini."

Isang malalim at matikas na boses ang narinig ni Ursula mula sa likuran niya. Agad siyang nagulat at kinabahan. Hindi niya ito nilingon bagkus nag-sign of the cross pa siya at ilang sandali ay nilingon niya ito.

Mahabaging langit! Isang napaka-gwapong nilalang ang nasilayan niya. At ang naka-agaw sa pansin sa mga mata ni Ursula ay ang pananamit nito na disente at pormal. Kulay itim barong ang suot nito.

"Binibini, ayos ka lang ba?"

Nanlaki ang mata ni Ursula sa nakita at hindi pa rin siya makapaniwala.

What a beautiful God creation!

Napa-ingles na lang si Ursula ng wala sa oras sa isipan niya. Halos maglaway na siya kakatitig sa perpektong mukha ng lalaki. Ngunit naalimpumgatan siya ng magsalita ulit ito.

"Ah-m, oo okay lang ako. Hehehe!"

Sagot niya na may kasama pang hagikhik. May tinatago pa lang kaharutan itong si Ursula na ngayon lang natutuklasan. May pahawi-hawi pa siya ng buhok na nalalaman. At nagbalik uli ang isipan niya at itinanong ang  kanina pa gumugulo sa isipan niya.

"Kuya, anong place ito?"

Ngayon ay diretso-diretso na ang pagkabigkas ni Ursula. Pinigilan niya ang sarili na kanina pa kilig na kilig. Ang maldita ay may kaharutan din pala.

"Paumanhin Binibini, ngunit hindi ko mawari ang iyong sinasabi."

May pagkalumanay at nakaka-antig na wika ng lalaki. Boses na mala-anghel at hindi masakit sa tenga pakinggan.

"Ahm, I mean anong lugar ito?"

Ulit na tanong ni Ursula at umaasang may sagot sa katanungan niya.

"Nasa Calamba, Laguna ka, Binibini. Sige, ako'y lilisan na sapagkat may mahalaga pa akong pupuntahan."

----------------------

Hindi nagkamali si Ursula sa iniisip niya dahil may nakita siyang bahay. Hindi lang basta ordinaryong bahay kundi isang magandang bahay na makaluma ang dating.

Agad na nagkaroon ng tuwa at saya si Ursula sa kaibuturan ng kaniyang puso.

"Thank you, Lord! Dininig niyo ang panalangin ko at salamat din po sa isang gwapong nilalang na ipinadala niyo."

Pagdadasal sa isipan ni Ursula at maya maya ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa isang kakaibang bahay.

Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon