Ang Babaeng Baliw #2

472 9 2
                                    

Sunud-sunod na kahol ng mga aso ang gumising kay Hannah. Matapos mag-inat-inat ay dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa kanyang kama. Madilim pa sa labas at tahimik ang buong paligid maliban sa kahol ng mga asong kalye sa labas. Tiningnan niya ang maliit na orasang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama.

     Alas tres pa lang, naisip niya.

     Dahil bahagyang nawala ang antok at nakaramdam na rin ng pagkauhaw, tumayo si Hannah at isinuot ang kanyang malambot at mabalahibong tsinelas. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang isang kulay abong refrigerator at kumuha ng isang boteng tubig.

     Isang kalabog ang narinig niya mula sa may pintuan.

     Ano yun? May tao ba diyan?

     Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at binuksan ang switch ng ilaw. Malamlam na kulay dilay na ilaw na nanggagaling sa isang mumurahing bumbilya ang pumuno sa kanyang  maliit na bahay. Hinawi niya ang kurtina at sumilip sa bintana.

     Wala naman siyang nakitang tao o anumang bagay na gumagalaw sa labas. Mukhang tulog na tulog pa ang lahat sa oras na ito.

     Muli niyang pinatay ang ilaw at bumalik sa kusina. Matapos makainom ng tubig ay ibinalik niya ang boteng hawak-hawak sa refrigerator. Babalik na sana siya sa kanyang kuwarto ng may makita sa gilid ng kanyang mga mata. Para itong isang tao na nakatayo sa may bintana. Nakasuot ito ng kulay puting damit.

     Mabilis siyang lumingon, dama ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Nang makita kung ano ang nakakuha ng kanyang atensyon ay napatawa siya. Ang inakala niyang taong nakaputi ay ang kurtina lamang pala na bahagyang pinasasayaw ng hangin sa labas.

     Napabuntong-hininga si Hannah at tinungo na ang kanyang kuwarto. Muli ay humiga siya sa kanyang malambot na kama.

     “Anong ginagawa mo rito?”

     Nagulantang si Hannah sa narinig at napabalikwas mula sa kinahihigaan. Iginala niya ang tingin sa paligid ngunit wala naman siyang nakita dahil madilim. Hindi sapat ang liwanag na nanggagaling sa buwan na pumapasok sa kanyang bintana.

     “Anong ginagawa mo rito?”

     Muling narinig ni Hannah ang boses. Sa pakiwari niya ay lalo itong lumakas at para bang punung-puno ng galit.

     “S-Sinong nandyan?” tanong ni Hannah. Pilit niyang inilakas ang kanyang boses upang ipakitang hindi siya natatakot ngunit nanginginig naman ang kanyang tinig.

     “H-Hindi ako natatakot. T-Tatawag ako ng pulis.”

     Iginalang muli ni Hannah ang kanyang mga mata sa buong kuwarto. Kahit madilim ay pilit niyang inaaninag ang bawat sulok ng silid.

     “Bakit ka nakahiga sa kama ko?”

     Lumingon si Hannah sa may bintana at nahintakutan siya sa kanyang nakita. Ang babaeng nakaputi na kanina ay humahabol sa kanya, ngayon ay nasa loob ng kanyang kuwarto. Kitang-kita niya ang mukha at hitsura ng babae kahit na madilim.

     Mahaba ang kulot na buhok ng babae na mukhang ilang araw ng hindi pa nalilinis at nasusuklayan. Ang mga mata naman nito ay nanlilisik, galit na galit.  Nakangiti ang babae kaya’t kitang-kita ni Hannah ang mga ngipin nitong bungi-bungi at ang ilan ay nangingitim na sa kabulukan. Ang suot naman nitong damit ay mahaba, parang pantulog, at puting-puti.

     Napasigaw si Hannah sa nakita. Ngunit agad din siyang napatahimik ng sunggaban siya ng babae at takpan ang kanyang bibig. Dinaganan pa siya nito kaya’t hindi siya makagalaw.

     “Bakit ka nakahiga sa kama ko?” muling tanong ng babae. Mula sa likuran nito ay dumukot siya ng isang bagay. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay hawak-hawak na nito ang isang malaking kutsilyo.

     Nanlaki ang mga mata ni Hannah sa nakita. Pinilit niyang pumiglas ngunit dinadaganan ng mga tuhod ng babae ang kanyang mga braso.

“Kailan ka ba mawawala sa buhay ko?” tanong ng babaeng nakaputi sabay tutok ng patalim sa leeg ni Hannah.

Diyos ko po! Tulungan niyo po ako, pagsusumamo ni Hannah na hindi napigilang mapaiyak sa takot.

Biglang sumigaw ang babaeng nakaputi, isang nakapangingilabot na sigaw.  Pagkatapos ay itinarak nito ang hawak na patalim sa leeg ni Hannah.

Napapikit si Hannah sa sakit. Ramdam niya ang pagtagas ng kanyang dugo. Ramdam din niya ang biglang panghihina na kanyang katawan.

Diyos ko po!

Ito ang huling mga salita ni Hannah bago siya nilamon ng kadiliman.

✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄✄

[A/N] Sorry MagpagkaOA sa Dulo . HAHAHA xD Bawi nalang sa Next Chapter . COMMENT naman kayo . VOTE na rin . Thank You . LavYa ! :*

Oooopss . Si BALIW sa Sidee . O.o Tuloy - tuloy Lang Ah . Thank You sa READS , Kahit Marami sa inyo mga SILENT READERS . Basta Pagpatuloy nyo Lang . MASAYA to .

Sabi Nila . . . (Real Life Story) ツWhere stories live. Discover now