Still Fallin'

21 4 15
                                    

'Volume up, ignore the world'-anonymous

It's just an ordinary day. As usual, tawanan lang ng barkada ang maririnig mo habang papasok kami ng school. Nakikitango na lang ako, kunyari alam ko ang pinagsasabi nila.

 "You tell me you were happier with him, you want me to stay 

And you tell me that you needed time but you pushed me away 

And when you try to take me back, my heavy heart just breaks 

But I can't lift the weight, and I can't lift the weight ."

Nasa lobby na kami ng kunin ni Troi yung headphone mula sa tenga ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Fuck this bastard!

"Halatang di ka kasi nakikinig sa 'min, dude. Tinatanong ka nila kung kumakain ka ng tae, um-oo ka naman hahaha," naka-akbay na sabi ni Terrence. I glared at them. Napalayo sila bigla sa 'kin.

"Woah! Sorry na dude! 'to naman di na mabiro," ani Matthew tila naka-surrender ang mga kamay.

"Hanggang kailang ka ba mag-mumukmok diyan? It's been a year, dude," untag ni Justine, na ikina 'tama nga naman,' nilang lahat.

"Tss!" mabilis akong naglakad palayo sa kanila.

But, tama sila It's been a year. Ba't pa nga ba ako magmumukmok sa taong minahal ko at pumanaw na. Ewan ko sa sarili ko. Tanda ko pa yung sinabi ni Maeri, "Ryu, makakahanap ka pa ng taong mamahalin mo at sasamahan ka ng matagal. Antayin mo siya, parating na siya." bago siya mawalan ng hininga.

Sigh, I hope so.

Napatingin ako sa babaeng paakyat din ng hagdan, si Maeri ba 'yon? Mabilis itong umakyat, napansin sigurong inuusisa ko. Nang maka-akyat na siya tumingala ako para makita siya, sakto namang naka-tingin rin ito sa 'kin. Umiwas siya ng tingin.

Kahawig niya si Maeri. Pero magka-iba sila ng galaw. She was care-free unlike my past love.

Grade 11- HUMMS 1

Oo, sinundan ko siya ng hindi niya napapansin. Well, magaling ako sa pagi-stalk.

____

Kinabukasan. Naulit ang scenario sa hagdan. Muli, umiwas siya ng tingin. Sinundan ko ulit siya. Ang kulit niya pala. Maganda siya, gano'n rin ang mga kaibigan niya. Masayahin pero minsan walang imik at mukhang bored na bored. Nakakatakot lapitan lalo na pag bad-mood. Baka mangagat.

Kwinento ko lahat ng 'yon sa barkada ko. Nung una, di sila naniwala pero ng makita nila ay nagulat rin sila. Simula no'n ay inaasar na nila ako. Pero pasimple akong kinikilig. Hindi ako bakla ah. Well, it was natural for boys too to be flattered and have a ctush.

Madalas ko siyang nakikita. Sa canteen, sa library, sa hallway, sa labas ng cr, drinking fountain. Pero tulad ng gawain niya tuwing nagkaka-tinginan kami ay umiiwas siya. Trade mark niya ata yun e. Kung susubaybayan mo siyang mabuti, mahuhuli mong hindi pala talaga siya tumitingin sa mata ng tao. Masasabi ko na ring swerte ako dahil nakatitigan ko na siya sa mata. Naaadik na yata ako. Patuloy akong nagpapadala sa hipnotismo ng kaniyang kayumangging mga mata.

Lumipas nga ang mga araw, pangatlong beses na ng pagkasabay namin sa hagdan-err no sa lobby na pala. Nakita ko ang mga barkada kong natatawang nakatingin sa amin. Sarap nilang paguuntugin dahil kumanta pa sila.

Natawa naman ako nung may bumirit na isa sa kanila. Peste! Ayos na e, panira yung bumirit, basag ang boses. Parang baboy na kakatayin tsk.

Tinignan ko yung babaeng kasabay ko, naiiling-iling siyang napatingin sa mga barkada ko, ngunit halatang pinipigilan niya lang ang tawa niya. I find it cute and lovely. Tss! Nakakabakla na 'tong feelings ko. Ewan ko ba pero ang lakas ng tama niya sa akin. Words can't define how I attracted by her.

Still Fallin' (One Shot)Where stories live. Discover now