He meets her
Nakaupo ako sa isang coffee shop. Nagpapalipas oras at nag iisip-isip. Minsan lang ako mapag isa ng ganito kaya now's the perfect time to reflect.
"Ang weird na talaga ng panahon ngayon. Kanina lang sobrang init bago ngayon uulan? Eto na ba ang nagagawa ng polusyon sa mundo?" bulong ko sa sarili ko.
Ang kaninang nakakasilaw na ngiti ni Mr. Sunshine ay napalitan ng madilim na kalangitan.
Lahat ng tao sa kalye ay nagmamadaling maglakad sa kadahilanan na there's a possibility na umulan. Sa may tabi ako ng window glass naka pwesto kaya kitang-kita ko kung pano magmadali ang bawat isa.
Narinig ko ang malakas na sigaw ng langit. At parang on cue, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Holy fudge. Wala akong payong! Crap!
Ilang oras din akong nag tagal sa coffee shop para magpatila ng ulan. Ilang tao na din ang naglabas pasok sa coffee shop pero hindi pa din ako makalabas. I parked my car a few blocks away from here kasi full ang parking kanina.
Tumingin ako sa labas. Bukod sa mukhang walang planong tumigil ang ulan, may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa isang bench across the street at nakatingin sa 'kin. I have to admit that he's got the looks pero weird lang kasi why seat sa bench sa gitna ng malakas na ulan tho may payong naman siya.
Naramdaman kong may nag lagay ng jacket sa likod ko. Kasi naman, naka crop top at shorts lang ako. Nanginginig tuloy ako sa lamig. Pag tingin ko, it's the great Joshua Hernandez and Ivan Garcia. Ang dalawang chick magnet ng 2|4 High.
"Hey guys! Musta?"
"Ok naman. Ba't mag isa ka lang?" Josh
"Oo nga. And ba't ganyan suot mo? Lamig eh!" Ivan
"Sorry naman po ano? Di ko naman kasi akalain na uulan. Tirik na tirik kaya yung araw kanina!"
Umupo sila sa tapat ko. Couch kasi yung upuan for 4 people. Then yung part nila, covered na ng concrete wall kaya di sila kita sa labas.
"Teka, maiba ako, eh kayo? Ba't kayo magkasama? Magde-date kayo no?" Biro ko sakanila.
"Hindi no. Alam mo naman. Chick magnet. We were invited by some girls from your school. Kaso naboringan kami kaya umalis na kami." Josh
"By the way, may dala ka bang car?" Ivan
"Yep. I parked it a few blocks away from here kasi puno na yung parking sa tapat nitong coffee shop kanina. Hindi naman ako makalabas kasi walang akong payong. Poor me. Hindi ako girls scout sa rainy day season."
"San mo pinark yung car mo?" Josh
"Sa tapat ng Resident Mall. Bakit?"