Chapter 46

29.6K 398 23
                                    

A/N: Happy 100k reads! Thank you po talaga sa mga nababasa ng story kong ito, thank you rin po sa mga nagfollow, votes and comments. Sana po basahin niyo rin po yung isa ko pang on-going story na "He's a nice guy" sana basahin niyo rin po. Thank you!
-----------------------------------------------------
Chapter 46

Nakauwi na kami ni Eve at nakapagtataka na hindi man lang siya humabol si mommy niyang si Ailenne. Bakit kaya?

"Eve, nagugutom ka na ba?" mahinahon kong sinabi at ngumisi sa kanya.

"O-Opo." simpleng sagot ni Eve.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at nagulat si mommy sa batang kasama ko. Ang aga umuwi ni mommy ngayon, sabagay siya naman kasi yung CEO kaya kahit anong oras siya umuwi.

"S-Sino siya?" tanong ni mommy.

"Mahabang kuwento po, nakuha ko na po kasi yung bahay ng mga Jimenez. Ito po yung anak nina Ailenne at Nathan. Wala na pong matutuluyan ang mga Jimenez, kaya po sinama ko nalang tong bata. Kawawa naman po madadamay siya." paliwanag ko.

Ngumiti si mommy habang nagpapaliwanag ako.

"Bait mo talaga, nak." sabi ni mommy nang nakangiti pa rin.

Ngumiti nalang din ako sa sinabi ni mommy.

"Akyat po muna kami. Aayusin ko gamit niya." sabi ko.

"Sa Guest Room mo na siya patulugin." sabi ni mommy.

"Doon nalang po sa kwarto ko." sabi ko.

"Okay, bahala ka." ani mommy.

Umakyat na kami ni Eve at pumunta sa kwarto ko. Nilagay ko na rin sa baganteng closets ang nga damit at ibang gamit ni Eve. Ang cute niya talaga.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit niya ay bababa na kami para kumain.

"Anong pangalan mo?" tanong ni mommy kay Eve.

"Eve po." simpleng sagot ni Eve.

"Ang cute mo namang bata ka." sabi ni mommy at pinisil pa ang pisngi ni Eve.

"S-Salamat po." sagot ni Eve.

"Eve, bakit parang hindi mo hinahabol mommy mo or daddy, lolo, lola mo nung umalis sila at pumayag kang sumama sakin?" tanong ko.

"Hindi naman po nila ako love." sabi ni Eve.

"H-Huh? Paanong hindi love?" tanong ko.

"H-Hindi po ako love nila. Sinisigawan at pinapaalis po nila ako madalas. Ayoko na po sa kanila." sabi ni Eve at may tumulo ng luha sa mata niya.

Bata pa si Eve pero kawawa naman siya. Naawa ako sa kanya, kung bilhan ko kaya siya ng stuff toys? Para pag may pasok ako may nilalaro siya kahit papaano. Tanghali pa lang naman kaya bibilhan ko siya.

"Mommy, alis lang po ako. Puwede kayo po muna bahala kay Eve." sabi ko.

"Ah, Eh, bakit? Saan ka pupunta." tanong niya at halatang nagtataka siya.

"Bibilhan ko siya ng stuff toys para pag wala tayo may malaro siya kahit papaano." sabi ko.

"Ohh, sige. Ikaw bahala. Ako muna bahala kay cutie baby girl na ito." sabi ni mommy.

"Salamat po. Una na po ako." sabi ko.

Pumunta na ako sa garage at pinatunog ko na ang kotse ko at sumakay na.

Ailenne's POV

Mukhang matutulog kami sa kalye ahh. Bahala sila Nathan maghanap itext nalang nila ako. Pupunta ako sa malapit na mall at kakain na muna kahit sa mumurahing fast food lang dahil gutom na gutom na ako. Sarili ko lang ang kaya kong pakainin ngayon dahil wala na akong pera.

Pumunta na ako sa isang malapit na mall at naghahanap ng fast food na mura ang mga pagkain. Buwisit kasing Sheryl yan eh! Peste at malas sa buhay! Nang simulang dumating yan sa buhay ko! Minalas na ako! Pati yung anak ko kinuha pa. Ngayon ko lang narealize na kahit papaano ay namimiss ko na si Eve ang anak ko.

Nakakita na ako ng fast food at umorder na at agad nilantakan ang pagkain sa harap. Pagkatapos kong kumain ay iikot-ikot muna ako sa mall para magpalamig. May nakita akong isang familiar na mukha na may mga paper bag na dala na mukhang stuff toys na galing sa Blue Magic, na si... S-Sheryl. Lalapitan ko na dapat siya kahit dala-dala ko ang maleta ko kaso may biglang may tumawag sa pangalang Leonora.

"Leonora?!" sigaw nung isang babae.

Nagulat ako ng lumingon si Sheryl, narinig ko yung bulong niya dahil malapit lang ako sa kanya.

"C-Cris?" bulong niya sa sarili niya.

Bigla siyang niyakap nung babae at niyugyog ang balikat niya.

"Leonora! Ang ganda mo! Mukhang bigtime, kamukha mo yung Sheryl De Guzman sa TV. Hahahaha!" tawa nung babae.

"H-Hindi ako si Leonora. Ako nga yung nasa TV na si Sheryl." sabi ni Sheryl.

"Huh?! Ahh... S-Sorry. Kamukha mo kasi di ko alam kung paniniwalaan kitang ikaw si Sheryl. P-Pero sorry na rin." sabi nung babae at umalis nalang.

Hinawakan ni Sheryl yung dibdib niya at huminga ng malalim. Hindi kaya siya nga talaga si Leonora?!

"L-Leonora?" di ko natiis at nasabi ko ang pangalan na iyon ng medyo may kalakasan.

Back to Leonora/Sheryl's POV

Nagulat ako ng nasa gilid ko lang pala si Ailenne at tinawag niya akong Leonora.

"A-Ailenne?!" sabi kong nauutal.

"So? Ikaw nga ba talaga si Leonora? Huling-huli ka na! Hindi ka talaga si Sheryl! Ikaw talaga si Leonora! Kaya pala kung makapaghiganti ka doble-doble!" sigaw ni Ailenne sakin.

Patay... Nalaman niya na. Anong gagawin ko magdedeny pa rin ba ako?

Wife's revenge (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon