Una sa lahat nais ko munang
Intindihin nyo ang aking tula
Sana lang wag seryosohin kung
kung sa inyo'y tatama
Alam ko namang masama
ang panghuhusga
Ngunit sasabihin ko lamang
ang mga maling nakikitaMagkaiba ang tao
hayop at bagay
Pero ang tao ang may pinaka
malaking taglay
Binigyan ang tao ng maayos
na pangangatawan
Lalong-lalo na siyempre ang
ating isipanMinsan napadaan ako sa
isang magkasintahan
Dalawa sila na nakaupo
at nagkukulitan
"Tabi-tabi po,"
ang nasambit ko sa kanila
Sabi ko noon survey lang
ang dahilan ng pag abalaPagkatapos ng survey
sinabi ko sa kanila
" Alam nyo mayaman na
sana kayong dalawa
"At bakit naman?",
tanong din ng dalawa
"Kasi naliligo na kayo ng ginto
di nyo pa nahahalata""Sabi kopa,"alas siyete diba
ang pasok nyo?"
Bakit hanggang ngayon nasa
nasa labas pari kayo?"
"Bushit ka,tumigil ka nga dami
ng tanong,nanay bakita?"
Siya pa talagang babae
ang nagdepensaPanawagan na ng dasal
sa alas siyete na noon
Nakita ko na naman sila salungat
pa sa aking tinutunton
Saan naman ang dalawa
kaya paroroon
Never mind nalang baka
nilamig ang mga iyonNakalipas na ang
pitong araw at pitong gabi
Sabi ko sa sarili ko
"Ano ba itong nangyari?"
Araw-araw palagi silang
magkasama noon
Pero ngayon si lalakin
naging imam na ngayonPagkatapos ng sambayang
tinanong ko siya
"Anong nangyari sa
inyong dalawa?"
Iniligtas ko muna ang
aming mga sarili
Sa mundong mapaglaro na
sa huli ay pagsisisiNatuwa ako noon sa
indikasyon
Indikasyon na kung saan
ang diplekasyon
Diplekasyong ang yamang
maaangkin
Iginugol lamang sa puso
na wawasakin dinMayroong mga taong
nagsasabi na
"Bahala na ang Diyos
sa aking tadhana"
Mayroon tayong
kasabihan di ba?
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawaKung kayat hindi ka maghihintay
na hampasin ka ng suwerte
Kailangan din kumilos dahil
itoy kanyang ka parte
Ang punto ko lamang gamitin
ang oras na makabuluhan
Upang ang ating buhay
Maging kapaki-pakinabang