Bat ayaw mo pakita?(One shot)

8.7K 421 144
                                    

Bat ayaw mo pakita?

(One Shot)

Waaahh. cute talaga nya, tinitingnan ko si Yuki sa kanyang upuan, sya lang naman ang kinababaliwan kung crush since First day ng School hanggang ngayon.

Sa subject ko lang to ko sya classmate no! kaya susulitin ko na!

T.L.E subject na kasi namin to at pag sinabing T.L.E na eh madami syang klase..

*Home Economics

* Industrial Arts

* Agricultural

at

*Entrepreneurship

kung saan parehas kami ng specialization, ahihi kaya nga favorite subject ko to sya eh.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako-"

pang-aasar sakin ng katabi ko.

Si jane ang epal kung bestfriend.

"Pshhh.. tumahimik ka nga! baka mahuli pa tayo ni Sir!"

Sabay batok ko sa kanya.

"Aray ko naman Mai!"

sabay hawak nito sa ulo. "Bakit ba patay na patay ka dyan kay Yuki? eh ang suplado suplado nyan sayo Mai!"

"Tumahik ka nga! Oo patay na patay ako sa kanya! at kung di ka pa titigil patay ka!"

Inis kung sagot sa kanya sabay irap.

Grabe cute nya talagang tingnan lalo na nung hipan nya yung bangs nyang humaharang sa kanyang mata! ang cute lang :3

Wla na akong pakialam kahit na mahuli ako ni Sir na hindi nakikinig eh sya rin nga eh hindi nakikinig. uhmmm pero sa bagay kahit kasi di yan makinig eh makakasagot parin yan kung sakaling tawagin sya ni sir! eh ang talino nya kaya! tas galing pang magdrawing! tas gwapo pa! oh diba? talented! san ka pa?!

Nakangiti akong tinititigan sya, Ang gwapo kasi tas mukhang seryosong seryoso sya sa ginagawa nya nagdadrawing kasi sya sa sketch pad nya.

Grabe nakakadagdag sa kacutetan nya. Kinakagat pa nya yung lapis nya.. Ang cute! habang tinitigan nya yung drawing nya.

haay. ako nalang sana yung lapis, para ako yung kagat kagat nya! ahihi ano ba tong pinag-iisip ko!

Gusto ko sana tingnan yung dinodrawing nya kaso di ko makita, ang layo nya kasi.

Nakangiti lang parin ako ng bigla nyang tinaas yung ulo nya tas biglang tumingin sa gawi ko.

Para syang nagulat nung nakita nya ako.

Ganto reaksyon nya oh---- O_____O

wow naman, talaga naman kasing nakakagulat tung kagandahan ko no!.

Kumunot yung noo nya.

"Anong tinitingintingin mo?"

sabi nya sakin.Tinakpan nya yung sketch pad nya tumalikod tas bumalik agad sa ginagawa nya.

Ang sungit naman.Pero cute! ahihi adik lang?eh adik talaga ako sa kanya.bakit ba?

Pero ewan ko ba, kung bakit ang sungit sungit nya sakin pero pag sa ibang babae eh hindi naman.Tas ayaw na ayaw nyang lumalapit ako sa kanya at lalong lalo na! pakialaman mo na lahat ng gamit nya wag na wag lang ang mahiwagang sketch pad nya! Strikto talaga!

Siguro na wiweirdohan sakin.

T_____T saklap diba? ang kulit ko kasi.

Naglalakad ako lunch break na kasi.

Bat ayaw mo pakita?(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon