PROLOGUE

4 0 0
                                    

Naranasan mo na bang maramdaman ang pag-ibig? Naranasan mo na bang ma-inlove sa childhood bestfriend mo? Yung tipong kapag iniisip mo siya parang nakikipag-racing yung puso mo sa bilis ng tibok nito. Yung akala mo hanggang pagkakaibigan nalang pala kayo. Yung mga panahong kapag nakikita mo siya mapula pa sa cherry yung mukha mo. At kapag may nag tangkang lumapit o lalapit sa kanya, possessive attack! Feeling jowa lang?... Yung tipong wala kang pake kung magmukha kang ewan sa paningin ng mga kaibigan niyo basta maiparamdam mo yung pagtangi o pagmamahal mo sa kanya. At sa bawat status niya sa facebook at bawat tweet niya sa twitter noon feeling mo patungkol lagi lahat sayo. At aminin mo, at the end of the day, ang dahilan ng ngiti diyan sa mukha mo ay dahil sa taong kinababaliwan mo este pinapantasiya mo, na siyang taong walang pake sayo! At kahit masakit, yung katotohanang hindi mo makuha-kuha ang atensiyon na nina-nais mo mula sa kaniya. At may mga tanong na nabubuo sa iyong isipan� May pake ba siya sa akin? Gusto rin ba niya kaya ako? Possible rin kaya na mahalin niya rin ako balang araw? O hanggang kaibigan na nga lang ba talaga ang turing niya sa akin? Kailan niya kaya ako mapapansin na ako heto simple lang na nagmamahal sa isang katulad nya. At ang tanong na kailan kaya siya babalik? Bakit hindi man lang sya nagpaalam na aalis pala sya? Sana totoo nga na may happy ending? At alam ko naman walang forever pero sana may lifetime. Ang hirap no! ang katotohanang minsan kasi hindi lahat ng gusto mo makukuha mo at hindi lahat ng nakukuha mo ay ginusto mo. Will you make your own road and let destiny follow you? Or will you follow your destiny to a road where it will lead you?

At ang matagal kuna hinahanap ay muling nagbalik at sa pamamagitan ng anim na araw, dito unti-unti sya nagpakilala sakin sa pamamagitan ng isang sulat kasama ang iba't-ibang regalo.
Monday [Necklace] from Mr. E
Tuesday [Bracelet] from Mr. L
Wednesday [Earings] from Mr. I
Thursday [T-shirt] from Mr. J
Friday [Pillow Heart] from Mr. A
Saturday [Rubber Shoes] from Mr. H
Sa sumunod na araw wala na ako na receive na bagay mula sa kanya.
Tiningnan ko muli yung mga notes na sinulat niya. Nakakapagtaka lang iba-iba ang ginamit niyang initials sa mga sulat niya. Weird! Pero teka.......
ELIJAH ito yung pangalan na nabuo mula sa mga initials na ibinigay nya, sya yung childhood bestfriend ko na umalis at iniwan ako at ngayon ay nagbabalik.

------------------

6 Days to Know YouWhere stories live. Discover now