Prologue

14 0 0
                                    

Alexander P.O.V.

Patuloy kong binabalikan ang lugar kung saan kami unang nagkita. Binalikan ko ang unang lugar kung saan ako umamin ng nararamdaman ko sa kanya. Unan lugar kung saan sinagot nya ako. Unang lugar na nag-iyakan kami. Unang lugar na aming pinuntahan sa aming date.

Patuloy ko lang inaantay na sana ay balikan nya ang mga lugar na ito dahil patuloy kong binabalikan. Pakiramdam ko ay unang beses ko itong napuntahan kahit paulit ulit ko na itong pinagmamasdan.

Pakiramdam ko ay bumabalik sya sa mga lugar na ito dahil nararamdaman ko ang presensya nya malapit sa akin pag pumupunta ako sa mga lugar na ito,

Nakatingin ako sa eskwelahan kung saan ko sya unang nakilala. Naalala ko ang papasok sa eskwelahan dahil doon ko sya unang nakilaa. Ang babaeng makulit na pinayungan ako habang malakas ang ulan. Kahit ayaw kong kasukob sya sa payong ay pinagpilitan nyang mababasa ako ng ulan. Sana ay makita ko sya dito ngayong araw, kahit di na mabilang kung ilang araw na ako nag pabalik balik pa dito.

Kayce P.O.V.

Naglalakad ako pabalik kung saan ang dati naming eskwelahan. Binabalikan ko ang mga lugar na puno ng aming ala-ala. Palapit ako ng palapit sa lugar na iyon at di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ngayon ko lamang ulit ito naramdaman, ang huli ay ang una kong kita sa kanya. Patuloy ako sa paglalakad at natanaw ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng gate ng eskwelahan, nagmamasid sa mga estudyanteng labas pasok sa eskwelahan.

Tumalikod ako, dahil baka makita nya ako. Pero gusto ko syang makita, ng malapitan. Gusto kong makita ang ngiti nya. Gusto ko syang mahawakan.


Still WaitingWhere stories live. Discover now