thr wmn

19 1 0
                                    

Nasa ilalim tayo ng puno nung hawakan mo ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko sabay ngumiti nang pagkatamis-tamis, pero isang segundo lang ang tinagal non at binitawan mo na rin ako at tumalikod.

Nung hindi na kita makita, dumiretso na ako sa classroom namin at yumuko sa arm chair ko para umidlip, pero di rin ako makatulog dahil iniisip kita.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na gusto rin ako ng taong gusto ko, napangiti nalang ako bigla.

Umayos ako ng upo, damn these butterflies! Hindi ko mapigilang makiliti at mapangiti nang malapad!

Dahil ikaw na yung iniisip ko, I can't help but to reminisce to the day when we first gaze at each other.

Pumunta ako non sa mall para bumili ng supplies para sa gagawin kong project. Pagpasok ko sa NBS ay agad-agad kong kinuha ang mga kailangan ko, pero syempre after that ay inaliw ko na ang sarili ko sa mga pens at highlighters. And unfortunately, naparami ang nakuha ko at kahit gustuhin ko mang ibalik yung iba, I can't! Dahil lahat ng 'yon ay gusto ko.

After putting everything on my basket I went to the corner part of the store, which is my most favorite. It was the aisle of fiction books. Agad-agad kong nilapag ang basket na hawak-hawak ko, pinagmasdan ko ang mga librong may plastik pang nakabalot. I took the first book that caught my attention and read the description at the back.

Habang busy ako sa pagbabasa ay bahagya akong nagulat nang may magsalita sa kaliwa ko.

"That's a great book, it's worth reading."

Tumingin ako sa direksyon mo at nahagip agad ng mata ko ang kulay berde mong mga mata. Nagulat ako dahil unang beses ko pa lang makatitig ang isang tao na ganon kaganda ang mga mata.

Titig na titig ako sayo at ganon ka rin. Pero after some awkward seconds binigyan kita ng nahihiyang ngiti, pero mas lalo akong humanga nung ngumiti ka sakin pabalik.

Napa-puñeta nalang ako sa isip ko. Leche ka kasi, bakit ba ang gwapo mo?!

"Ahm...thanks for the recommendation." You nodded at me and then I drifted my gaze back to the book I'm reading. Napatingin naman ako sa presyo at para akong binagsakan ng langit.

"Putek, wala pa akong pera. Leche di pa pala kita mabibili." sabi ko habang hinahaplos ang libro. Napansin ko namang may nakatingin sakin kaya napatingin ako sayo, you were giggling and I was embarrassed, so I quickly took my basket and went to the cashier.

Matapos kong bayaran lahat nag-thank you ako at paalis na, but before I go, I took a second glance at you and I immediately looked away when you caught me looking at you.

When I got home I can still feel the embarrassment I felt a while ago. Bakit kasi may patingin-tingin pa akong nalalaman? Yan tuloy nahuli ako!

Pero kahit ganon, di ko maiwasang kiligin. Kasi ibig sabihin pati ikaw napapatingin sakin.

Shet! Ano ba 'tong pinagiisip ko! Ayoko na nga gagawin ko na yung project ko, mamaya na ako lalandi pag tapos ko na 'to.

Nagising nalang ako sa pag-alarm ng cellphone ko, nung naprocess na ng utak ko ang nangyari ay napatingin ako agad sa ginagawa kong project kagabi, I sighed in relief when I saw it finished. Ibig sabihin bago ako makatulog dito sa sahig ay natapos ko na ang proyekto ko.

After cleaning my mess, I went on my morning routine and went to school. Napatingin ako sa relo ko at napansing 30 minutes early ako, kaya naisipan kong pumunta muna sa lugar kung saan ako lagi nakatambay, malayo sya sa mga buildings at onti lang ang mga estudyanteng dumadaan kaya peaceful ang part na yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon