Kabanata 10 (The feeling is mutual)

58 40 26
                                    

The Rock Star's Wife Written by: PhoenixCorvus

***********************************************************************************************

-Lian's POV-

"Pleased to meet you Miss Jaxsin Lian Cabral. Finally." Sabay silay ng magandang ngiti sa kanyang mga labi na ngayon ko lang nasilayan.

Tila may ilang boltahe ng kuryenteng dumaloy mula sa aking palad papunta sa buo kong katawan kaya bigla kong binawi ang aking kamay. Bago sa akin ang pakiramda na 'yon at para bang hindi ko kayang ipaliwanag. Sinikap kong pakalmahin ang aking sarili at bahagya akong ngumiti.

"Pleased to meet you too Mr. Cervantes." Pormal kong sagot.

"Hmm. Does it mean na pumapayag ka nang magkasundo tayo at kalimutan ang lahat ng hindi magandang nagyare sa atin?" Naniniguradong tanong nya, nakangiti ito habang pinag aaralan ang galaw ko.

"Yes and No." Tipid at madiin kong sagot. Kumunot naman ang noo ng kaharap ko at sigurado akong hindi nya naintindihan ang sagot ko.

"What do you mean?"

"Yes, pumapayag ako na magkasundo tayo at maging civil sa isat-isa for the sake of our late grand parents.'' Tumigil muna ako sa pagsasalita at pinagmasdan ang lukot niyang mukha. "And No, I don't think I can easily forget everything that you've done to me. Masyadong hindi maganda ang unang engkwetro natin kaya wag kang umasa na madali kong makakalimutan ang lahat."

"Hahaha! Okay, so the feeling is mutual then. Mukhang magkakasundo tayo sa bagay na yan." Tumango-tango pa ito habang sarkastikong nakangisi.

"Oh really. You think so?

"Yep. I was expecting na hindi ka papayag sa ganitong setup. Ganun din naman ako. But just like what I've said earlier. Wala tayong choice kundi ang magkasundo kaya kailangan nating maging civil sa isat- isa. Pero hanggang doon lang 'yon. Wag kang umasa na magiging matiwasay ang pagsasama natin. Wag ka ring umasa na magugustuhan kita at mai-inlove ako sayo dahil hinding-hindi mangyayare 'yon.

Natigilan ako. napaawang ang aking bibig at nabigla ako sa mga sinabi ni Drake. Maya-maya pa ay natawa ako. humagalpak ako ng tawa dahilan para mairita ang kaharap ko.

"Easy there Dude! Hahaha! Masyado namang advance ang pagiisip mo. Hindi pa nga nagyayari ang kasal tapos yan na agad ang nasa isip mo? And you seriously think na magkakagusto at mai-inlove ako sayo? Hahaha! In your dreams Drake."

"Oh come'on. Hindi malabong mangyari 'yon. Possible na ma-inlove ka sa taong kagaya ko. pero imposibleng ma-inlove ako sayo." Confident na sabi nya.

Tss. Napakahambog talaga ng king ina.

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Kasi bentang-benta yang joke mo sa akin eh. Tawang-tawa ako." Kitang kita ko kung paanu nalukot ang mukha ni Drake na animoy inis na inis. Nang humupa ang tawa ko ay saka naman ako sumeryoso. "Well, I'm open to all possibilities. Maaring mangyare o hindi mangyare yang mga bagay na iniisip mo. Who knows? maaari nga na matuloy o hindi matuloy ang kasal natin. Siguro nga ay tama ka. I'll be honest with you, maari nga na ma-inlove ako sayo. Pero isa lang ang nasisigurado ko. bago pa magyari 'yon ay pipigilan ko." Mariin kong saad. Sandaling nangibabaw ang katahimikan. At tila ba pareho kaming nagpapakiramdaman.

Ngayon ay wala na akong mabasang anumang emosyon mula sa mukha nya. Nanatili lang kaming nakatayo at nakatingin sa isat-isa. Nakaramdam ako ng kaunting ilang kaya ako na mismo ang unang nag iwas ng tingin saka ako nagpakawala ng mapait na ngiti at tumingin ulit sa kanya.

Ang kaninang walang ekspresyon nyang mukha ay napalitan ng pagkabalisa at pag aalala. Ewan ko. hindi ako sigurado kung tama ba ang nakita ko. Magsasalita na sana ito pero inunahan ko.

The Rock Star's WifeWhere stories live. Discover now