Love, Hate, Friendship and Sacrifice! Hindi yan mawawala sa buhay lalo na sa buhay pag-ibig ! Minsan hindi mo alam kung paano, kailan, bakit, ano, at saan pwedeng magsimula at magtapos .
Minsan hindi mo inaasahan ang pagkakataon yung akala mo hindi pwede pero nagkakatotoo rin pala sa totoong buhay !
"Josh !!! Nakapasa ako sa exam !yes yes!" Hingal na hingal na tumakbo papalapit sakin ang maganda kong bestfriend at halos isubsob sa mukha ko ang hawak nyang papel!
"Sabi naman sayo e kaya mo yan!"
"Galing ng tutor ko e!" Wika niya at inakbayan ko na lang sya habang naglalakad kami sa hallway!
"Seryoso josh! Thank you sa lahat lahat ng mga bagay na itinutulong mo sakin" pakiramdam ko namula ako nung sinabi nya yun sakin.
"Sabi ko naman sayo diba, handa akong gawin ang lahat para lang mapasaya ka " kasabay nito ang pagkindat ko sa kanya!
Sabi nila walang masamang magmahal at pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan dahil hindi porket masaya sa una e hanggang dulo na!
Paano kung lahat masasaktan? Paano kung walang magiging masaya? Ipagpapatuloy mo paba? Magulo ang mundo! Magulo ang tao! Yung akala mo s'ya na kahit wala pa namang kasiguraduhan! Lahat ng tao nagbabago. Lahat ng bagay pedeng maglaho. Hindi lahat ng akala mo ay totoo ay mananatili sa mundo. Ang pagmamahal ay parang sugal, kong gusto mong manalo dapat handa ka ding matalo!
Eto ay istorya ng hindi lang isa o dalawang tao, kundi ng tatlo.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionEto ay istorya ng hindi lang isa o dalawang tao, kundi ng tatlo.