Josh POV
Almost 3 years na kaming mag bestfriend ni Camille since second years high school kami na ang magkasama sabi nga nila ano ba talaga ang meron kami bat daw ganun nalang ang aming turing sa isa't isa. One day pumasok ako laging gulat ko ng salubungin ako ni Camille."Besssssss! this is it, Guest what? Kami na ni Mark!!!!" bulalas ko ng makita ko si Josh sa tapat ng garden sa harap ng aming school.
"Eh, tunay? kailan pa? Haha bakit di mo naman agad sinabi sa akin nakakatampo ka bes!" pagtampo kong tugon na may halong kirot.
"Haha:/ bes naman di ko muna sinabi sayo kasi di pa naman ako sigurado sa kanya para kasing di siya sigurado nung una pero nung nalaman ko yung totoo ay yun pool pumayag na ko." walang pag aalin langang sagot sa tanong ni Josh.
*krriiiiiinggggg*
"Bes, i have to go malelate na ko sa first period ko." Paalam ko ng marinig ko ang bell.
"Sige ingat ha!"
Lumakad ako hanggang sa makarating sa room hanggang matapos,ang klase wala akong naintindihan kakaisip dahil sa sinabi ni Camille !Pagkatapos ng klase nakita ko agad si Mark at Camille na magkasama !
Sa bawat oras at araw na dumaan nawawalan na ng oras sakin si Camille !Sa tingin ko nadala na sya kay mark at hindi na nya ako napansin !
Nakaramdam ako ng tampo ng dumaan ang apat na buwan ! Hanggang sa nakasalubong ko na naman syang umiiyak !
"Andito kana naman?" Sabi ko sa kanya! Ilang beses ko na ata syang nakitang umiiyak at sa bawat oras ding yun ang puso ko'y nabibiyak .Minsan naiisip ko na hanggang dito na lang ako ,hanggang pagcomfort sa bestfriend ko !Sa bestfriend ko na mahal ko ,sa mahal ko na sinasaktan naman ng ibang tao
"Gaya ng dati nagaway na naman kami!" Pagkatapos yumuko sya
"Alam mo Camille lagi na lang bang ganito? Paulit ulit na lang ba ?Yung tipong magpapakatanga ka sa taong hindi ka naman talaga binibigyan ng halaga tapos sa mga panahong yun tsaka mo lang ako maaalala?Ano ba ako? Bestfriend mo o isang simpleng taga payo ?" Deretso lang akong nakatingin sa malayo habang sinasabi ang mga salitang yan.
"Teka Josh nasasaktan na ko !pati ba naman ikaw?Layuan mo na lang ako!"
"Sige pagbibigyan ko ang gusto mo kung yun talaga ang ikakasaya mo!" Tumayo nako at naglakad palayo umasa ako na tawagin nya ako sa pangalan ko at sabihin ang mga katagang BUMALIK KA HINDI KO KAYANG MAWALA KA. pero hindi wala syang sinabi kaya napilitan akong umalis at lumayo!
After 3 days
Wala kaming paguusap ni Camille kahit magkasalubong kami walang batian na naganap o kahit tingin man lang,Hanggang sa nakareceive ako ng text galing sa hindi kilalang numero"Josh pwede bang humingi ng pabor?"
"Sino to?"
"Si Mark to pare alam kong hindi muna ako rereplyan pagkatapos nito kaya dederetsahin na kita, Pare may sakit ako Cardiovascular desease ,sa madaling salita may sakit ako sa puso .Sabi ng doktor malala na daw at ikakamatay ko ito pag nagkataon kaya gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko gustong nasasaktan ang bestfriend mo, ginawa ko lang na palayuin sya dahil sa kalagayan ko kaya pwede ba pre alagaan mo sya para sakin dahil mahal na mahal ko sya" Nung nabasa ko yung text nya lumaglag ang luha ko !dali dali kong hinanap kung saang hospital nandoon si Mark at nakumpirma ko na totoo lahat ng sinabi nya. Inisip ko mabuti ang dapat kong gawin
Camille's POV
After 7 months
Wala akong naging balita kay Mark tuluyan na nya akong iniwan gayon din Josh na akala ko mananatili sa tabi hanggang sa dulo
Hanggang sa tumawag sakin ang pamilyar na number ,number ito ng mama ni Mark !Pinapunta nila ako sa sinabi nilang lugar
Nakarating nako sa sinabing lugar nakita ko ang magagandang bulaklak,mga taong tumutugtog ng violin at isang lamesa na may ilang rosas at kandila!"Camille." Isang pamilyar na boses ang aking narinig humarap ako para kumpirmahin kung sya nga at tama ako.
"Mark?Ano ito?Bakit ngayon ka lang ulit nagparamdam?"
"Sandali lang umupo muna tayo"
Agad kaming umupo nakatitig lang ako sa muka ni Mark"Camille gusto kong humingi ng tawad sa pagiwan ko sayo pero hindi ko ito ginusto gusto kong malaman mo na nagkasakit ako isang malalang sakit kung bakit kita napiling iwanan pero eto na ulit ako bumabalik para sayo."
Unti unti kong naintindihan ang lahat pero,magkahalong galit,sakit at lungkot ang nararamdaman ko imbis na maging masaya naalala ko ang muka ni Josh pakiramdam ko mas masaya ako kung sya ang kasama ko."Alam mo Mark nung mga panahong wala ka unti unti kong napagtanto na kaya ko palang mabuhay kahit wala ka"
"Pero Camille muntik ko ng ikamatay ang sakit na yun buti na lang may nagdonate ng puso nya para lang mabuhay ako at may pinaabot nga pala syang sulat para sayo"
May iniabot syang sulat mula sakin nanigas ang buo kong katawan sa nabasa ko ..." Camille, Bestfriend at babaeng pinakamamahal ko.Diba sabi ko sayo dati na gagawin ko lahat para lang mapasaya ka.Kaya ito dinonate ko ang puso ko sa taong mahal mo,Sana maging masaya ka at sana mahalin mo ang puso ko.Katawan ko lang ang nawala pero hindi ang puso ko patuloy parin kitang mamahalin gamit ang puso ko na nasa taong mahal mo .Camille mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko maraming salamat sa pagkakataong nabigyan ako ng panahon para mahalin ka,Nakakalungkot na hindi ko nasabi sayo ng personal na mahal kita pero sa huling segundo ng buhay ikaw parin ang mahal,mamahalin at minamahal ko hanggang dulo.Wag mong isipin na ito ang katapusan" -Eto ang iniwang sulat ni Josh na bestfriend ko na totoong nilalaman ng puso ko,Sa nabasa ko nagunaw ang mundo ko Kaya kung mahal nyo ang isang tao sabihin nyo na habang may panahon pa dahil pag wala na wala ka ng magagawa kundi umiyak at magsisi.Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi dahil hindi ka naman magsisisi kung hindi na ito ang huli.
BINABASA MO ANG
Heartless
Teen FictionEto ay istorya ng hindi lang isa o dalawang tao, kundi ng tatlo.