Natasha's PoV
(Kring!!!!)(kring!!!!!)
"Ay kalabaw" Napasigaw ako dahil sa alarm ko grabe din eh makapang gulat. At ang mas ikinagulat ko dahil biglang bumukas ng malakas ang pinto at nakita ko doon si Butler Lean.
"Young lady okay ka lang ba po? may insekto po ba? may kalabaw po ba? may magnanakaw po ba?ano po meron sa kwarto niyo para alam ko kung anong nangyari?" Sunod sunod niyang tanong hayy grabe talaga to nagsama pa ng mga guards.
"Opo, wala naman pong insekto o Kalabaw o magnanakaw sa kwarto ko , ahm nagulat lang po ako sa tunog ng alarm ko kaya......"Hindi pa man ako tapos magsalita ay sumenyas na si butler sa mga guards para kuhain ang alarm clock ko sa side table.
Eh?
"Ano naman gagawin niyo sa alarm clock ko?"Tanong ko kasi naman eh yung alarm clock ko eh bigay pa naman yan ni best friend.
"Itatago po young lady" Sagot ni Butler Lean.
"At bakit naman?" Tanong ko ulit hayyy grabe talaga tong si butler oa much.
"Kasi ang UTOS ni MASTER na kahit anong bagay daw ang makapanakit o makapang gulat o panakot sayo , o kahit anong bagay ang makasama sayo ay itago raw o ipatapon"
"Ahhh pambihira naman si dad" Bulong ko kasi naman eh.
"May sinasabi po ba kayo young lady?"Intrigang tanong ni Butler Lean.
"Wa......" Hindi pa ako tapos magsalita ay may nagsalita na.
"Ano bayan ha puro kaartehan huh? alam mo nakakairita yang pagiging maiyakin mo pati na yang kaartehan mo"Inis na wika ni Xia sakin . Huhu naiiyak ako ang sama talaga ni Xia pinapahiya niya ako kahit kina butler.
"Excuse me Xia sa pagkakaalam ko wala kang karapatan para pagsalitaan ang pinsan ko ng ganyan dahil sampid ka lang rito kaya wag kang mag magaling."Nagulat kaming lahat dahil may sumingit sa sona si Xia at yun pala ang aking pinsan si Ate Xyra.
"At sino ka para sabihin yun sakin?" Mataray niyang tanong kay ate Xyra.
"Ako si Xyra Mae Rico ang pinsan ni Natasha na totoong anak ni tito Oliver Mondragon oh ano ka ngayon sampid layas" Mataray ring utos ni Insan kay Xia na umirap nalang at naglakad.
"Young lady alis na po kami at bilisan niyo na po may pasok pa po kayo in 30 minutes mo magsisimula na po klase niyo" Paalam ni butler at umalis na sya kasama ang mga guards na wagas maka ngiti kay insan pero wait lang
O MY GULAY
Im doomed. Nagmadali akong pumasok sa banyo at na naligo at nagbihis , nag ayos ako ng konti pero walang make up salamin lang okay na ako . Wag kayong ano dyan ah wala akong pimples hindi kagaya ng ibang nerd. Ng matapos na akong mag bihis ay dali dali akong bumaba at kumuha ng sand wich at binalot ko nalang . Nakita kong tumingin sakin si Xia ng masama pero hindi ko nalang pinansin at nagmadaling lumabas ng bahay/mansion .
"Young lady ang bilis mo naman yata mga 5 minute pa nung sabihin ko yun sayo ah"Hindi makapaniwalang saad ni Butler Lean at tinignan ako ulo hanggang paa.
"New look po? bakit po ang iksi ng paldang sinuot niyo?"Tanong ni butler lean.
"Kasi po yun lang ang require ng school , ayaw ko naman pong suwayin ang sarili kong school policy " Nahihiya kong sagot at binaba baba ang aking palda para hindi kita ang legs kong kasing puti ng gatas hahaha tawa kayo.
YOU ARE READING
The Nerd Become to A Dangerous Gangster/Mafia Princess/Assassin
Teen FictionNERD, TANGA, BADUY ,MANANG KUNG MANAMIT ,WEIRD MINSAN , PANGET ,MAYAMAN , MABAIT , MATALINO , MAPAGMAHAL PERO PANO KUNG MAG IBA NALANG SYA SA ISANG IGLAP ANG DATING NERD NAGING GANGSTER , ANG DATING ENOSENTE MATOTUTUNG PUMATAY DAHIL MAFIA , ANG DAT...