Sena Barett.
Nakahiga ako sa sofa namin habang iniisip kung pano ko ba masisingil tong mga pautang na ko na to, at pano ko naman mababayaran ang mga utang ko
Kung kunin ko kaya pamilya ng mga may utang sakin ng bayaran na nila ako mga letse sila sa maliit na halaga pumapanget ako dahil sakanila. Anong akala nila Madaling mabuhay ng walang pera?
"Ngiti baby shark bakit ganyan ka nanaman? " Napaayos ako ng higa ng marinig ko ang boses ng aking nanay na pilit inaalam kung anong pinoproblema ko, agad kong tinago sa likod ko at dinaganan ang mga papel na hawak ko
"Wala to mommy shark " Sabay labas ko lahat ng ngipin ko
"Alam ko meron ei" sabay tapik nito sa paa ko dahilan para malaglag ko sa kinahihigaan ko
"Ma naman ang lakas nun" daing ko habang hinihimas ang ulo ko, salamat nanay ko at nakilala ko pa siya dahil baka kung hindi ako nakatayo agad at mali ng bagsak ko amnesia na diretso ko nito
" Sabi na sayo anak ei Wag mo ng gawin to ayokong nahahati yung oras mo sa pagaaral dito sa business mo"
"Ma gusto ko makatulong, ayoko maging pagibat tapos" hinablot ko ang papel na kanina ay tinago ko pero dahil nahulog ako nakita pa din ito
Oo mahirap kami pero hindi pwedeng hirap lang kami habangbuhay kailangan kumita ng pera ng walang pinapamuka sakin ang iba kong kamaganak
PANO BA KASI YUMAMAN NG HINDI NAHIHIRAPAN?
.
..
.."Aling nena naman alam kong hindi natatapos ang bukas pero sana bayaran nyo na ko pang apat na bukas nyo na po ito aba luging lugi na po ako kakabalik balik sainyo maayos ko naman pong binigay yung orders nyo isang libo din mahigit yun" Habang lintaya ko sa isa sa mga may utang sakin hanggang sa makakaya ko ay mahinahon ko silang kinakausap kahit gigil na gigil na ko sa pabukas bukas nila
"Ang kulit mo naman kasi wala pa nga kong pera kung gusto mo ibabalik ko nalang sayo nga kinuha ko" nakapamewang pa na sabi nito
"Kailangan ko po ng pera ngayon "
"Bakit kailangan ko din ng pera ngayon ah ikaw lang ba may kailangan ng pera tabi ka nga dyan "
Bahagya niya kong tinulak dahilan para mapaatras ako at nilagpasan akoSinundan ko ng tingin kung san siya pupunta sa SUGALAN Tangna Walang pambayad sa utang pero pag dating sa Majong at Tongits may panglaro nakakagago ah
Dahil ilang araw ng sagad ang pasensya ko sa matandang mataba na to.
Nang makarating ako sa pwesto niya at nakalapag na ang pera ng mga nagtotong its kasama na dun ang may utang sakin, Habang busy sila sa pagtingin ng mga baraha nila ay kinuha ko mga pera nila
" HOY MAGNANAKAW TO "
"GAGO " sigaw ko pabalik sa isang lalaki binilang ko ang pera at kinuha ang eksaktong pera na sinisingil ko kay aling Nena
"SINGILIN NYO SA MATANDANG MATABA NA YAN YUNG PERANG NAKUHA KO BALE 1480 TO SALAMAT SAINYO NAWAY PAGPALAIN KAYONG LAHAT NI BUDAAAAHHHH " At nagsimula na kong maglakad paalis
Oh diba Mga tao ngayon ei Dinadaan sa pakiusapan ang usapan pero nananagad ng pasensya gusto pa yung pinapahirapan ako, well its my pleasure Mas naeenjoy ko mga ganto
Next destination ang tindahan ng nanay sa palengke sa pagtitinda ni nanay ng Isda, Baboy., Manok, Baka at Gulay lamang ang nagsusuporta sa mga kailangan namaing mag ina dahil kaming dalawa nalang ang natitira sa mundong to .
"beeeeeppp beeeepppp"
Mahirap maging mahirap Tang inang buhay
"beeeeeeeeeeeeppppppppp"
"KYAAAAAAHH GAGO KA PAPATAYIN MO KO LUMABAS KA DYANG GAGO KA INUTIL WALANG HIYA " Dahil sa busy ko kakaisip sa letche kung buhay ay Sasagasaan na pala ako ng Napakagandang kotse na ito na may hula na ko na panget ang nag dadrive na ito
"HINDI KA LALABAS? " patuloy ako sa paghampas ng salamin ng kotse niya dahil hindi ko mapapatawad na papatayin niya ko, Hindi ko pa nasisingil mga may utang sakin mamamatay na ko? NO WAY
"AHA TAMA AKO NG INIISIP PANGET KA NOH KASI KAYONG MAYAYAMAN LALO NA MGA PANGET ANG GUSTO NYO MAGANDANG KOTSE PARA PAGTAKPAN YUNG KAPANGITAN NYO WELL ALAM KO NA YAN, NAKAKATAWA LANG NA MAS POGI PA YUNG KOTSE KESA SAYO HAHAHAHA TANG INA MO "
"Such a bad mouth Ms. "
Napatigil sa ere ang kamay ko na kanina pa hinahampas ang salamin ng kusa itong bumaba at nagpakita ang isang na sobrang gwapo, Why oh why bakit may mga gantong tao bakiiiiittttt?????? Kahit nakashade siya alam na gwa-
"how rude of you? Alam mo bang masamang titigan ang mga gwapo dahil mas lalo silang gumagwapo, ayoko ng masyadong gwapo baka umiyak na yung ibang lalaki dahil nasalo ko lahat and anong sabi mo? Im just hidding mg ugly face with my Expensive car para nagmuka akong pogi? So just step aside Ms."
Napanganga nalang ako sa Kayabangan niya ang hangin walangya Gwapo nga mayabang naman Perfect na sana kung hindi nagsalita , agad akong napagilid ng iharurot niya ang kotse niya
"HINDI KA GWAPO WAG KANG FEELING, WALANG MATUTULONG SA EKONOMIYA YANG PAGMUMUKA MO "
Malakas na Sigaw ko at sana narinig niya Bwisit yun
"tngna " napamura nalang ako ng muntik pa kong madapa
MALAS NA ARAW, NAPAGKAMALANG MAG NANAKAW MUNTIK NG MASAGASAAN AT MADADAPA PA ANO PANG KASUNOD AYOKO NA
BINABASA MO ANG
Sena Barett
RomancePalaban Series #1 "Wala akong pakialam kung ano man masasabi nila hindi ako nabuhay para magustuhan ng lahat "