Chapter 4

24 2 0
                                    

TIMOTHY'S POV

Kumuha akong ng drinks para samin ni Nichola pero pagbalik ko sa lugar nawawala na siya. Nasaan na kaya yun? Iniwan nanaman ako.

"Oh Kuya Timo, nandito ka din pala." bati sakin ni Eunice.

"Ah oo, napilit ako ni Mico saka wala naman akong ginagawa." inabot ko sa kanya yung isang basong hawak ko. "Oh inom tayo" Ngumiti siya at kinuha yung baso

"Thanks, so kamusta ka na? Last pagkikita natin eh nung championship eh" tanong neto.

"Ah eto ok lang hahaha ganon parin naman." nagkwentuhan pa kami ng biglang napunta lahat ng tingin ng tao sa gitna. Nakita ko si Vince at Nichola na para bang nagaaway.

EUNICE'S POV

"Uhm kuya?" tanong ko kay kuya Vince. Pinagtitinginan na sila ng mga tao ngayon.

Tinitigan lang ako ni kuya at ngumiti saglit at saka lumapit siya kay Nichola. Hinawakan niya to sa kanyang bewang at hinalikan sa lips.

Nashock ako at muntik na mapatili, nababaliw na ata talaga tong kapatid ko.

"Guys, meet my girlfriend Nichola" pagmamalaki nito habang nakangisi.

Nagulat halos lahat ng tao, yung iba naman napangiti na lang. Sikat talaga si kuya sa lahat, hindi ka updated kung hindi mo kilala si Vince Tan. Kahit mga taga ibang school kilala siya, kaya isang malaking issue to lalo na sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Nakita kong gulat na gulat din si Nichola, alam kung isa to sa mga laro ng kuya ko. I know he's mean towards everyone pero when you get to know him hindi siya ganon tao talaga. He's caring and a really lovable guy.

Umalis si Timothy at sumunod naman si Nichola sa kanya ano kayang meron dun sa mga yun? Nilapitan ko na lang si kuya at pabirong sinuntok siya.

"Ano nanaman yun?" natatawa kong sabi.

"Alin?" tipid niyang sagot

"Yung scheme mo, anong trip mo? Tss Nichola's our family friend bat parang you're into her right now?" pangaasar ko

"I was serious, gusto ko maging akin si Nichola." tinitigan niya ako.

Natawa na lang ako ng malakas "Kuya naman! It's bad you know, stop playing with her." he looked at me with a poker face 

"Seryoso ako Eunice I like Nichola, I'm not playing with her or with anyone" napapikit ako ng ilang beses, si kuya nagseseryoso sa babae? This is crazy...

"Alam mo kuya, why don't we get a drink? Baka alcohol lang ang katapat niyan." tumango na lang siya at umalis ako saglit para kumuha ng drinks namin

"Uhm Ms. wala na bang ibang drinks?" pagcocomplain ko dahil naubusan na kami ng drinks.

"Kasi po Mam, inaantay pa po namin yung deliver mga 20 minutes pa daw po." sagot ng waiter habang nakamot ng ulo. Hay naubusan pa talaga kami.

"Here, paki serve to sa magandang babae sa harap ko." inabot ng lalaki yung bottle ng champagne at lumingo sakin.

Napatingin ako at ngumiti, gwapo siya...matangkad. 

"Hi, Ken nga pala. Ken Ortega" ngumiti siya. inabot niya ang kamay niya sakin. teka ang gwapo..

"Ah Eunice Tan" i shaked his hand and smiled.

"Ikaw pala yug kapatid ni Vince?" inabutan niya akong ng isang glass ng champagne 

"Yup, ikaw? Related ka kay Ate Louise?" tinikman ko yung champagne at tinignan siya.

"Little brother nya ako, di ba obvious?" natawa siya at uminom narin.

Kumuha ako ng isa pang glass "Uhm I'll go ahead muna bibigay ko pa kasi to sa kuya ko eh." 

"Hey, no need. Papadala na lang natin sa waiter. Can we go and have a little chat? Para naman mas makilala kita." nagutos na siya sa waiter at umakbay sakin.

"Let's go? Dun tayo sa kabilang side para mas tahimik." parang nanigas na lang ako hindi ako umayaw at nagdalawang isip. Yung itsura na kasi parang mapapago ka na lang sa lahat ng gagawin niya. Sumunod lang ako sa kanya at dinala niya ako sa isang parang Gazebo. 

Umupo ako sa isang gilid at ngumiti. Lumapit siya sa tabi ko at ngumiti pabalik. Nakakabaliw yung ngiti niya.

"Hindi mo ba ako napapansin sa mga class mo?" tanong niya

"Ha?"

"Palagi tayong magkasabay ng class, blockmates tayo." pagpapaliwanag niya.

"Oh? Hindi eh." hinde ko talaga siya nakikita.

"Sabagay madalas akong wala sa mga class kaya baka di mo ko talaga napapansin." tumango tango ako.

"Maganda ka pala talaga, tulad ng sabi nila." he smirked. shet jusko po bat ganto to.

"Ayy grabe naman, thank you ah." namula ata ang mga pisnge ko at nakita niya.

"Ang cute mo pa, di mo naman nabanggit na perfect ka pala." ngumiti nanaman siya nung nakakatunaw na ngiti. Grabe Eunice control, kakakilala mo lang sa lalaking to. Baka kung anong klase tong lalake. Pero kapatid naman siya ni Ate Louise so baka matino siya.

Tumayo siya at kinuha ang baso ko nilapag sa isang tabi at ngumiti. 

"I know this is crazy but you. You're very different from any other girl na nakilala ko. I don't know what I'm feeling pero one thing I'm sure of.. can I ask you out on a date? You know..." hinawakan niya mga kamay ko at kiniss ito. Teka yung puso ko bat ganto, kinikilig ako ng sobra.

"A-ah.. uhm" nauutal na ako..

"So I'll take that as a yes beautiful lady" dahan dahan niyang hinalikan ako sa lips. Nanigas nanaman ako, I was speechless hinde ko alam kung anong dapat kong gawin. Magagalit ba ako kasi ninakawan niya ako ng kiss o kikiligin kasi ang gwapo niya tas kiniss niya ako. Hindi ko magalawa katawan ko. 

Nilabas niya ang phone niya at napakunot ang ulo. "Sh*t sorry I need to go  for now, I'll wait for you at the parking lot tomorrow 5pm. Bye beautiful" he pecked my cheek at biglang nawala ng parang bula.

Eunice...

Bukas...

May date ka for the first time... 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

END OF CHAPTER 4

I Believe in Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon