Richard's POV
Bumaba na siya sa hagdan.. Dahan-dahan at mahinhin. Ang kanyang mga buhok ay diretso at nakaladlad sa kanyang likod, mapupulang labi na bagay na bagay sa kanya at ang kanyang mga mata na nangungusap, mapuputing balat na nagliliwanag parang birhen.
"Goma ito na yung bag ko... Goma!" Angil niya sakin kaya bumalik ako sa mundo. Inabot ko ang bag niya pati na rin ang mga files niya na dadalawang folder lang naman. Inilagay ko sa kotse ang mga ito at binuksan ang pinto para sa kanya. Busy siya sa pagkalikot sa phone niya.
"Ma'am sa office po tayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa rearview mirror.
"Yes please.. Pakibilisan Goma. Kanina pa daw ako hinihintay ni Papa."
"Opo" sinimulan ko ng magdrive. Pasulyap sulyap ako sa rearview mirror pero busy pa rin siya sa phone niya. Wag ka nang umasa Richard.. Hanggang "Goma the driver ka na lang"
"Ma'am nandito na po tayo.." Tumingin siya sa bintana niya tapos sakin. Kaya dali-dali akong bumaba para buksan ang pinto niya. Bumaba siya at kinuha ko ang mga gamit niya.
Sinalubong kami ng secretary niya na may dala-dalang planner at sinabi ang schedule niya ngayong araw.
"Ma'am pinapatawag po kayo ng Papa ninyo sa conference room."
Tinignan niya ito, "I know. You don't have to remind me every minute. Make my lunch 2 hours. I'm eating out."
"Pero ma'am maapektuhan po yung....."
"What the hell did I say?!" Angil niya sa secretary niya. Yumuko naman ito at sinulat ang bagong schedule ng boss niya -- namin
"Opo ma'am." Walang sinabi si Ma'am Rachel.. Pumasok lang siya mg elevator. Kami naman naiwan na sa lobby at kumuha ng ibang elevator.
"Ciarra pagpasensyahan mo na si Ma'am ha?" Sabi ko sa secretarya nya.
"Okay lang Richard.. Masasanay rin ako. Akin na nga pala yang folders ni Ma'am" iniabot ko sa kanya ito. Bigla namang tumunog ang elevator at nasa floor na kami ng office niya.
"Salamat chard.. Maghihintay ka lang ba dito maghapon o uuwi ka?"
"Depende kay Ma'am alam mo naman yun.."
Tumango lang si Ciarra at ngumiti habang inaayos ang folders sa table ni Ma'am Rachel.
Mga dalawang oras din kaming naghintay at biglang pumasok si Ma'am Rachel kasama si Sir Albert. ---
2 taon na niyang nobyo.
Paborito ni Sir Miguel
(Papa ni Ma'am Rachel)
si Sir Albert. Papa kasi nito ang kasyoso nila sa company at kahit ayaw niya sa lalaki basta't gusto ng anak hindi na niya mapipigilan dahil paborito ni Sir Miguel si Ma'am Rachel. Unica Hija kasi ito at prinsesa ang turing.. Kahit nga ata lamok hindi hahayaan na dumapo kay Ma'am.
"Aalis na tayo agad?" Tanong ni Rachel kay Albert habang magkahawak ang kamay nila. Hinawakan ni Albert ang mukha ni Rachel at tska hinalikan ang noo nito.
"Oo ngayon na. Ipinagpaalam na kita kay Tito.. I told him na kung pwede siya na muna ang umasikaso sa meetings mo."
Inilagay naman ni Rachel ang mga braso niya sa sa batok ni Albert, "you did? Boss kaya natin yun."
Ngumiti si Albert at nagshrugged, "Well.. Favorite din ako ni Tito." Hinapit nito si Rachel sa bewang at akmang hahalikan na pero tumayo ako.. Hindi ata sila aware sa presence ko kaya nung makita nila ako lumayo si Rachel at inayos ang damit niya.
