Paint My Love (One-shot)

132 11 18
                                    

------------------------------

Bye, matutulog na ako.”

“Ok..Goodnight..Sweetdreams.”

Ewan ko ba kung bakit abot tenga ang ngiti ko, kapag nakakatanggap ako na text galing sa kanya. E halos araw-araw nalang ka-text ko siya.

Para nga akong baliw eh. May sayad na. Haha.  Sabi nga nila, corny talaga ang love.

First day of classes pa lang napansin ko na siya. Actually, 3rd year highschool na kami ngayon. Nung 1st year ko pa crush yun e. Sya nga ang ‘heartthrob’ sa  campus eh. Siya ang ultimate crush ko na si Sherwin Perez. First day of classes pa lang, napansin ko na siya. Palangiti, may sense of humor, pero minsan seryoso.

Akala ko nawe-weirdohan lang ako sa kanya nung una, pero yun pala.. LOVE na. :”> Of course, sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Halos lahat ng girls sa room namin kinikilig pag dumadaan sya. Tae lang. Haha. XD

Ako nga pala si Dixie Lee. 15.

Malapit lang ang upuan ko sa kanya, pareho pa nga kami nga mga organizations na sinasalihan pero ni minsan di ko siya nakausap.

Nagtataka nga ako dahil halos lahat ng classmates ko kinakausap nya maliban sa akin. I guess, nalaman nya na may feelings ako sa kanya. So, parang nagkaka-ilangan kami.

Tuwang-tuwa ako nung malaman kong may group project kami, at nagkataong ka-groupmate ko sya. Nag-decide silang sa bahay nalang ni Sherwin kami gumawa. Kahit nag-aalangan ako, I agreed. No choice eh. Di ako mapakali kasi katabi ko sya sa loob ng tricycle na sinasakyan namin. Pero as usual, wala parin siyang imik. Tss. -___-

Inumpisahan na naming gawin ang project namin. Nang magutom yung iba, lumabas sila para bumili na foods. Hindi ako sumama, kasi umuulan sa labas.

Apat kaming natira doon sa loob ng bahay. Hinanap ko yung glue para idikit yung mga nagawa namin. Tinanong ni Carla, (groupmate ko din) si Sherwin kung nasaan yung hinahanap ko. Sabi nya nasa study table so pumunta ako dun. Buti pa si Carla sinagot nya nung nagtanong, samantalang nung ako parang walang narinig.

Sa sobrang inis ko, gusto ko na sanang tanungin kung anong problema niya, buti nalang napigil ko ang sarili ko. >.<

So..Nung kinuha ko yung glue sa study table. May napansin akong mga paintings sa table. Maganda ang pagkakagawa kaya pinagmasdan kong mabuti. Laking gulat ko nung napansin kong puro larawan iyon ng…

O_O

Iisang babae… babaeng sobrang pamilyar sa akin. Maganda sya, matangos ang ilong, nakaka-akit na mga mata. At tila, titigil ang mundo mo kapag nakita mo ang kanyang mga ngiti. Halos perfect na ata sya. ‘De joke lang yun. Ako yung nakapinta dun teh. Haha. Yabang e noh? XD Hamuna. Teka…

*LUB.DUB.LUB.DUB*

Waahh! ~ *gulp*

“Ako ‘to ah!” puro larawan ko nga iyon. Di ako pwedeng magkamali, ako yun! Nagtataka ako kung ano ang ibig sabihin noon..

“Nakita mo na pala..” :)  –Sherwin

Nagulat ako. Akala ko magagalit sya dahil nakialam ako, pero nagkamali ako. Kitang-kita ko sa mga labi at mata nya ang ngiti… ngiting noon ko lang napagmasdan.

Hindi ko na siya kailangang tanungin, dahil alam ko na ang ibig sabihin noon.  Napangiti nalang ako. Kasabay na pagpatak ng ulan ang pagtulo ng luha ko, na hindi ko sinasadya. Luhang dala ng kasiyahan.  Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko na parang gustong lumundag sa tuwa..

Lumapit sya sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. At niyakap ako..

“ I love you, Dixie. “

“I love you too, Sherwin.”

Di ko akalaing after all those months…  mahal din pala nya ako. <3

-The End-

Paint My Love (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon