Halos lahat naman ata ng teenager sa mundo nararanasan magkaron ng hinahangan sa iba’t ibang dahilan, may humahanga dahi sa kagandahan, kagwapuhan,kabaitan,katalinuhan at sa angking talento at galling.“What is crush?” Kung itatanong mo to sa isang elementary student simple lang ang isasagot niya “CRUSH is PAGHANGA”, kung sa high school student “CRUSH is a SPECiAL FEELiNG”, kung sa nagtitinda ng halo-halo naman yun daw yung ginagawa sa binibili nilang yelo, para di raw mahirap magkaskas :)) haha ! Pero ayon sa mga single at sa mga taong kuntento na sa buhay na walang commitment, CRUSH ang nagsisilbing iNSPiRASYON nila .
Patingin-tingin kung saan-saan baka kasi sakaling nandyan, at pag natyempuhan susulyap ng di nya alam. Masaya na pag nakikita si crush. Malayo man o malapit, nakaharap o nakatalikod man, basta as long as sigurado kang sya yun matutuwa kana. Minsan nga kahit sa picture lang kinikilig ka pa. May kanya kanya ring style pag nakakaron ng crush, istilo number 1: andyan yung ia-add mo sa FB at ipa-follow mo pa sa twitter at tumbler. At pag accepted na ang friend request mo unang una mong titignan eh yung RELATiONSHiP STATUS nya. TAMA? At pag nakita mong single mag-iilusyon ka pa na may pag-asang maging kayong dalawa. Haha ! Istilo#2: Kukunin ang cellphone number. Kung malakas loob mo, ikaw mismo hihingi ng number nya personally.Kung mahiyain ka naman you can CALL A FRiEND, si friend na bahalang dumiskarte makuha lang digits ni crush at kung mahiyain ka naman at mejo may lakas ng loob,pwede mo hingin number nya through chat sa FB. And that’s it swerte mo na kung ibibigay nya PERO mas swerte ka kung number talaga nya yung ibibigay nya at para ka nang nanalo ng 300 million sa lotto kapag NAGREPLY sya. Dun na magsisimula ang lahat, magiging magkatext, magiging close na kayo at kapag nagka-palagayan nang loob eh may tawagan portion na. Hanggang sa makasanayan mo na yung ganung routine araw-araw at magigising ka na lang na sya na yung tinuturing mong iNSPiRASYON….
Inspirasyon na syang nagpapangiti sayo, nagpapawala ng lungkot at badtrip mo,nagbibigay ng lakas ng loob,at nagiging dahilan ng bawat paggising mo. Minsan mapapaisip ka na lang “paghanga nga lang ba talaga o pag-ibig na?” Paggising mo sa umaga sya agad laman ng isip mo,siya yung unang unang itetext mo. At every meal time di ka nakakalimot na itext sya ng ganito “kaen ka na jan,keepsafe”.May kasama pa ngang “mwa mwa mwa tsup tsup” paminsan-minsan. Di ka mapakali pag di sya nagtetext, o tumatawag. Hindi kumpleto araw mo pag wala kang text na nababasa mula sakanya, kahit GM pwede na basta galing skanya. Naalala ko pa yung nabasa ko na quotes “Musta pa lang nya parang iloveyou na” it’s so magical talaga , lumalabas yung kababawan ng isang tao pag nasa ganitong sitwasyon. Yung tipong sa sobrang kababawan eh halos lahat ng messages mula saknya na nagpangiti sayo sine-save mo pa at paulit-ulit mo pang binabasa,kahit nga di mo na iopen alam mo na kung ano yung message na andun. Parang tanga dba? Hahahah ! but in that simple way you saw yourself smiling :))))) isa pang kababawan na nagagawa mo eh yung ang dami dami nyang picture sa cellphone mo,at take note may sarili pa syang folder at sa sobrang dami eh parang sya na yung may ari ng cp mo. Haha ! Kung sa Computer ka naman nakaharap syempre matic na, punta sa profile nya sa Fb ‘ tingin-tingin ng kung anu-ano. Kung kailan sya huling nag open, Kung sino-sino mga nagcocomment sa mga post nya, at di ka nagsasawang tignan yung mga pictures nya. Sadyang mapaglaro rin ang tadhana, magkakaroon pa ng pagkakataon na makakasama mo sya. “Anong saya,anong ligaya umulan,bumagyo,gumuho man ang mundo ikaw at ako pa rin” hahaha ! ganyan yung feeling nun eh, lakas maka-Renz Verrano.(kilala nyo yun?search nyo nlang kung hindi) tapos kahit kinakabahan ka kasabay ng kilig hindi nya dapat to mahalata na kahit gusto mong tumalon sa sobrang saya eh di mo naman magawa syempre nakakahiya :))Kung pwede lang siguro hatakin yung oras pabalik para tumagal pa yung pagsasama at pagkkwentuhan nyo ginawa mo na. Ibang klase rin kasi yung oras bumibilis pag masaya ka at bumabagal pag naboboring ka.Tama? Pero kahit ganun, matagal man o maiksi ang importante nakasama mo sya. Kasama sa kwento, sa tawa, sa kulitan minsan sa kainan pa. Hindi ka makakaramdam ng kahit anung pagod, Saya at kilig lang ang natatangi mong mararamdaman. Admiration pa ba to? O obsession na? hahaha!
Hindi naman masama magkaroon ng inspirasyon actually hindi nga natin maikakaila na ito yung nagpapasaya pag malungkot tayo,Nagbibigay sigla at kulay sa boring nating mundo.Minsan nga lang masyado tayong nadadala sa infatuation na dulot nito,na kapag nakasanayan mo nang andyan yung tinuturing mong inspirasyon eh hahanap hanapin mo na. At minsan pa nga hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na pala ng unti-unti sa kanya at pag nagkataon hindi na sya simpleng inspirasyon o crush. Sya na yung taong lihim mong minamahal,right? I just realized na Hindi lang pala sila ang dahilan ng kasiyahan nten, sila rin minsan ang nagiging dahilan ng kalungkutan nten lalo na kapag umasa tayo at nag expect for something. Simple lang dapat gawin, don’t tolerate your feelings lalo pag alam mong komplikado at alam mong masasaktan ka lang. NEVER ASSUME, NEVER EXPECT and NEVER DEMAND.“don’t expect too much because it will hurt you so much”. You just need to know your Limitations, and just enjoy the feeling of being iNSPiRED :))
Salamat sa pagbabasa :))
-- xhawii.bhaby