The Real Battle + Broken? (Chapter 3)

9 0 0
                                    

Lunch break namin ngayon and hindi parin mawala-wala sa isipan ko yung pinagsasabi nung katabi ko tungkol sa Hot Badboys.

Naglalakad ako papuntang canteen hanggang may nakita akong mga tao na nagkukumpulan. Lumapit ako para tignan kung ano yun, pero biglang may tumulak sakin na naging dahilan para madapa ako.

"Ano ba yan hindi marunong magexcuse." Bulong ko sa sarili ko. Nung malapit na ako, nakita ko si Charles kasama ang mga barkada nya. Tinignan ko kung anong ginagawa nila, at laking gulat ko ng meron isang babae sa harapan nila na nakaluhod.

Tumabi ako dun sa mga tao para tignan kung ano yung nangyayari.

"Charles Wayne Alvarez! Please take me as your girlfriend!" Sigaw nung babae. Grabe naman siya, luluhod pa para lang maging girlfriend ni Charles.

"Yun lang ba yung sasabihin mo?" Tanong ni Charles. "Tumayo ka diyan" Dagdag nya at inalalayan yung babae para tumayo. "Is that a yes Charles?" Tanong nung babae ng may halong kilig pa.

"Uhm....." Lahat ng tao dito ay naghihintay sa sagot nya. "Of course not! Sinayang mo yung oras ko para lang dyan sa confession na yan and I don't like girls na gagawin yan para lang magkaboyfriend." Kinuha ni Charles yung baso na hawak nung lalaking nasa tabi nya at ibinuhos ito dun sa babae.

Nakita kong tumulo ang mga luha nung babae. Nagulat nalang kaming lahat ng bigla nyang sinampal si Charles.

"Alam mo ang yabang mo din noh! Porket alam mong lahat nagkakandarapa sayo ganyan ka na! Hey boy, you know what? You're just a piece of shit!" Sigaw nung babae sabay alis.

Kitang kita kong pinagbubulungan siya ng mga taong nandito.

"Ang landi nya kase!"

"Yeah, ang lakas pa ng loob nyang sampalin si baby Charles ko!"

"She's not even pretty!"

Anyways, alam nyo hindi talaga magprocess sa utak kung bakit may mga babaeng ganyan, yung masyadong desperada. Pero wala akong kinakampihan sakanila, i'm just stating my point of view.

Paalis na sana ako ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"AUDREY MAE DELA ROSA!"

Hindi ako makalingon dahil alam ko kung kaninong boses yun, kay Charles. Natakot ako sa ginawa nya kanina dun sa babae. Hindi ko alam kung bakit parang nastuck na ako dito sa kinakatayuan ko.

Huminga ako ng malalim, and I gathered all my courage to look at him. "Ba-bakit?" Halaa ayan na nga ba! Nauutal ako! Pero ano yun?------

*Bugsh*

Nagulat ako ng tinapunan din ako ni Charles ng juice. Ang lagkit pa naman!

"Pa-para san yun?" Galit kong tanong kahit nauutal parin ako.

"Para sa pagbangga mo sakin kahapon!" Sabi nya. "Pero wag ka munang matakot dyan, hindi pa yan yung huli." Dagdag nya sabay ngiti.

Inikot ko yung paningin ko at nakita kong nakatingin silang lahat saakin.

Oh great! I'm the center of attraction now! (sarcastic tone)

Siguro naman alam nyo na ayaw na ayaw kong center of attraction diba?

Dahil sa pagkainis ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero kinuha ko yung juice na hawak nung katabi ko. Hinablot ko yung kamay ni Charles bago pa sya maakalis at binuhos ko iyon sakanya.

Nakoo patay!

Ano bang iniisip mo Audrey?! Mamatay ka na nyan in 10 seconds!

Ipinikit ko yung mga mata ko incase na baka gantihan nya ulit ako at nagbilang ako hanggang sampu.

My Dorky Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon