takot sa saya

4 1 0
                                    

Alam mo sa totoo lang, natatakot ako na Masaya.

Natatakot dahil sa mga past experience ko na pagka binigay ko lahat agad, magsawa ka sakin, na baka maisip mo na di mo kayanin na mabilisan, na isipin mong baka natuwa ka lang pero sa twing nararamdaman ko yung takot at pangamba, Doble non yung saya.

Yung saya  na nandyan ka, magkausap tayong dalawa.
Yung pakiramdam na halos nakalimutan ko na sa tagal ng panahong nag iisa
Yung ligaya na akala ko noon sa mga meme, Internet at kapirasong mga linyahan sa libro ko lang mababasa, minsan nagkakatotoo din pala.
Nadarama ko rin yung literal na bugso ng saya sa twing makikita kong yung tumunog sa phone ko ay pangalan mo na.
Yung mga malilit na gesture na minsan ko nang pinagdudahan dahil sa pelikula ko lang makikita.
Yung mga sandaling may sinambit akong ngalan ng kanta, Di ko namamalayan habang yung reply mo ay hinihintay ko pa, yung kanta napakinggan mo na pala minsan nga dalawang beses na.
Yung pagkakataon na sa kahit anong messaging app pa tayo mapunta, Di mo nakakalimutan tumawa. From Okc to viber, from viber to FB, and from FB to Skype nalibot na nating dalwa at tulad ko dama kong nakaabang ka sa aking mga letra at
Alam mo ba? Aaminin ko sadya. Nung sinabi kong magbebreak ako at imemessage kita, kumukuha lang ako ng kape at nag message ka: "hiii" tangina. Natunaw na ko talaga. Kinilig akong bigla nung inunahan mo pako talaga.

Tapos naisip ko nalang bigla, walang wala yung takot kumpara sa saya na naidudulot mong kusa. At kahit Di pa man tayo nagkikita, Di naman yun yung sobrang halaga, ang importante, may pundasyon na tayong dalawa. Pundasyon na kahit kelan Di maiintindihan ng iba kase ano nga ba namang pake nila. Ang alam ko lang may mga tao talagang tinadhana at dadating yon sa panahong pinaka hindi natin inaakala. Ü

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

takot  sa sayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon