Pagsisisi

7 0 0
                                    

"Pagsisisi"

Posible naman magkaroon ng tayo
Kung ang sinagot ko lang ay Oo
Nung tinanong mo ako
Kung posible bang magkaron ng tayo

Sana una pa lang inamin ko na
Inamin sa sarili ko na alam ko na
Alam ko na ikaw ang gusto ko
Gusto ko pero hindi ko nasabi dahil natakot ako

Oo, ng panahon na iyon takot ako
Takot ako sa sasabihin ng iba
dahil kakatapos ko lamang sa isa
sabay bigla nandyan ka at ikaw ang bago

Ilang beses tinanong ng mga kaibigan
Ano nga ba ang nararamdaman
Ang tanging nasagot lang ay ewan
dahil kahit sarili ko ay naguguluhan

Makalipas ang ilang buwan
alam kong huli na ng inamin ang nararamdaman
Nahuli ako ng isang buwan
dahil sa akin ay wala ka ng nararamdaman

masakit man ang nalaman
madami man tanong sa aking isipan
ngunit ni isa walang mahanap na kasagutan
takot na magtanong sayo dahil wala naman karapatan

karapatan na wala ako
dahil sa maling desisyon ko
sa hindi pagsabi sayo ng totoo
na naging resulta na ngayon ay walang tayo

mayroon na bang bago?
bago na nagpapatibok ng iyong puso?
pwede bang maging makasarili ako?
dahil pinapanalangin na sana ako pa din diyan sa puso

hanggang kailan ako magkakaganito?
sasabihin sa sarili na tapos na ako
tapos na ako at wala ng nararamdaman sayo
pero eto ako ikaw pa rin laman ng puso ko

Sana isang araw magising ako
magising ng walang kirot sa puso
dahil tanggap ko na sa sarili ko
na hanggang dito na lang tayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

pagsisisiWhere stories live. Discover now