Weaky Weaky! ♥ (A True To Life Story) ☺

211 4 10
                                    

Maikling kwento ni: Jenica Carla Louela P. Villanueva

"Bakit siya?" tanong ng kamag-aral ko sa akin.

"Bakit, masama ba? Kanya-kanyang taste lang yan!" sabi ko naman.

"Ano ba yun, alam mo ba, hindi ko lubos maisip na mga ganung tipo pala ang gusto mo."

"Ano bang problema sa kanya? Sus, di ako nakabatay sa pisikal na anyo pag nagkakagusto ako sa isang tao noh! Pangalawa na lang yun!" pangangatwiran ko naman, na may halong biro.

Naaalala ko ang mga katagang ito, ang pag-uusap namin ng isa sa mga kaibigan ko noong nasa ikatlong taon ako sa hayskul. Pinag-uusapan kasi namin noon yung crush ko. Jossan ang kanyang pangalan.

2nd year palang ako nagkagusto na kaagad ako sa kanya, unang beses ko pa lamang siyang nasilayan, ay may kung ano ng kasiyahan ang aking nadama. HIndi ko alam kung bakit. Tinamaan yata ako ng pana ni kupido kumbaga. May nagtatagong misteryo sa maamo niyang mga tingin, at may mabait at pagsusumamong imahe ang nabubuo sa aking isipan pag siya'y aking nakikita. Tila isang maamong tupa ang mahihinuha mo pag siya ang naiisip mo. Palagi ko lamang siyang pinagmamasdan, palaging nakatanaw sa kanya.

Oo, hindi siya yung tipo na nagugustuhan ng karamihan sa mga babae, yung gwapo? Kung iisipin, isa lamang siyang ordinaryo at tipikal na lalaki. Matangkad, kayumanggi ang kulay, katamtaman ang pangangatawan, misteryoso, seryoso't tahimik, at mukang hindi man lamang marunong ngumiti.

"Uy uy, alam mo ba kung anong pangalan nung kaklase mong laging kasa-kasama nina Adrian?"

"Sino, c Jossan?"

"Siya nga!"

"Jossan pangalan niya, Jossan Castillo. Bakit, crush mo?"

"Ha? HIndi noh! (nagdeny pa ko, para hindi mabuking) O talaga? Wow naman. Salamat ah."

Matapos malaman ang pangalan niya'y pakiwaring sa isip isip ko'y bumukas ang langit at nagbagsakan ang lahat ng anghel sa lupa, napakasaya ko, my God! Simula noon ay palagi ko na siyang nakikita, lalo na pag shoptime na (elective class). Simula noon ay palagi na akong masaya,.at tila nabubuo ang araw ko kapag nakikita ko siya. At simula rin noon ay palagi ko na siyang iniisip.

Dumating ang ikatlong taon, at lalong pang lumalim ang pagtingin ko sa kanya, gayong di ko pa siya lubusang kilala, at sa pangalan lamang, at ayon na rin sa mga balitang nasasagap ko mula sa mga kaklase niya, ay mas lalo ko siyang nagugustuhan habang tumatagal. Palihim ko siyang ipinagtatanong ng kung ano anong katanungan na gusto kong malaman tungkol sa kanya, sa tulong ng mga kaklase niyang kaibigan ko rin naman! Hahaha.

"Sa may Commonwealth Avenue siya nakatira, ang mga magulang niya'y kapwa nagtatrabaho, dalawa silang magkakapatid, siya yung panganay. Yung mama niya sa isang plastic factory sa may Cavite nagtatrabaho, tuwing sabado lamang ito umuuwi, ung papa naman niya, taxi driver."

"Tahimik lang yan si Jossan eh, sobrang tahimik. Napakamahiyain. Kung hindi mo nga yan kakausapin eh, hindi ka rin niyan kakausapin."

"Torpe yan, hindi pa nga nagkakagirlfriend yan eh."

"Ang suplado pa. HIndi namamansin."

"Oy alam mo kanina nakita ko may kausap si Jossan, narinig ko nga yung boses niya eh, parang pang cartoon character."

"Yung nagluluto pala ng baon ni Jossan palagi, yung lola niya eh."

Sa pamamagitan ng mga ito ay unti unti kong nakikilala kung sino, at ano ang mga katangian at pagkatao niya. At sa bawat impormasyong aking nalalaman tungkol sa kanya ay mas lalo ko pa siyang hinahangaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Weaky Weaky! ♥ (A True To Life Story) ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon