Chapter 20

1.7K 60 2
                                    

Miggy's pov

Di ko inaasahan na ganun magiging reaksyon niya. Kasi yung mukha niya ehh! Ang ganda hahah sorry.

Sana di siya galit sa akin.

Ay galit napala siya. Magsosorry nalang ako sa kanya with a kiss? Haahhaa joke lang.

Di rin namin nagawa ang potion. Ako nalang gagawa. Para sa kanya.

Di ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. My heart is so complicated right now. I was heart broken for a month now. Is this normal? That I like leia even me and hannah just broke up a month ago? Nagmamadali ba ako? Hays itatago muna kita feelings ha? Baka kasi magka problema eh.

***************

Leia's pov

Arrrgghhhhh!!! Bw*s*t na miigy. Umasa ako dun aahh. Hahaa joke. Kainis! Kala ko talaga kasi eh(─.─||.

Andito ako sa dorm namin at nakatingin lang sa kisame. Niyaya ako ni trisha mag dinner sinabi ko na busog pa ako. Dami niyang tanong sa akin bakit ayaw kong kumain. Pero umalis naman siya.

Hay di ko alam kung anong gagawin ko kung makasalubong ko siya. Siguro di ko nalang papansinin. Maghihiganti ako miggy. Maghintay ka at mapapahiya ka talaga!!!*smirk*

After 2 minutes na nakatunganga napansin ko ang libro sa gilid ko, ang libro na nanguryente sa akin.

Kinuha ko at binuksan. Biglang may liwanag na lumitaw at hinigop ako. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Natatakot ako sobra. At nahimatay ako.

***********

Minulat ko ang mata ko ng may naramdaman akong basa sa mukha ko.

Nakita ko ang isang lion na dinidilaan ang aking mukha. Nong una kinabahan ako baka kainin ako. Pero tinitigan lang ako at umupo sa harapan ko. Umaatras ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Titig lang talaga ng titig ang lion.

Grabe sobrang laki niya at kitang-kita na sobrang kapal ng balahibo niya parang chow chow, pero lion siya ha. Gusto kong hawakan. Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Di ko kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Natatakot o nahahanga? Naiyak nalang ako.

Biglang lumapit ang lion sa akin. Napapikit nalang ako sa takot. At dinilaan nanaman ang aking mukha parang pinupunasan ang luha ko. Iniabot niya ang paa niya sa akin. Gusto niya ata ako tulungan. Di ko na alam kung anong lumalabas sa utak ko basta nag desisyon lang ang utak ko na kausapin ang lion.

"Tutulongan mo ba ako?" Tumango naman ang lion. Hala? Naiintindihan ba niya??

Tumayo ako at hinawakan ang ulo niya. Di na ako masyadong natatakot sa kanya kahit ang tataas ng pangil niya at ang tutulis ng koko niya. Scary!!

Nag lakad papalayo ang lion at tiningnan ako. Parang gusto niya atang sumunod ako sa kanya, kaya sinundan ko.

Habang naglalakd kami. Tinitignan ko naman ang paligid.

"Bat ba ako nandito?? Asan ba ako?? Whaaa! Buhay ba yung libro" sabi ko. Narinig ata ng lion yung sinabi ko

Ehhh kasi di ko namalayan na nasa gubat pala kami. Yung lion kasi ang iniisip ko. Iniisip kong paano ako makakatakas. Desperadong desperado akong tumakas. Ikaw kaya makaharap ang isang malaking lion. Syempre mababaliw ka talaga kasi sobrang laki niya at ang tutulis ng koko. Parang kakainin kana ano mang oras.




Huminto bigla ang lion at tumingin sa paligid. "May problema ba?" tanong ko.

"Meron"

"Ehhh?? Nakakapagsalita ka????" -me

"MAGIC"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon