IKAW AT AKO

24 2 0
                                    

Hi Mahal,

     Naaalala ko pa yung mga panahong tayo ay masaya pa.
    Yung mahal mo pa ako at mahal pa din kita.
     Yun nga lang ang pinagkaiba eh mahal pa kita pero ikaw mahal mo na siya.

    Sumasagi pa din sa isip ko yung mga pangako mo na siyang pinanghawakan ko hanggang sa matapos ang storya na sabay nating binuo.

    Tandang tanda ko pa nung sinambit mo sakin na ako lang ang mahal mo, mula ng makilala mo ko sakin na umikot ang mundo mo. Yung tipong ikaw ay sakin at syempre sayo lang ako.
     Oo sayo lang ako magpahanggang ngayon kahit mag isa na lang ako dahil ba may ikaw na lang at ako pero wala ng tayo.
  
          Bakit naman ganun mahal? Bakit parang ang dali lang sayo na itapon at kalimutan yung limang taon nating pinagsamahan para lamang sa limang araw na iyong kaligayahan.
  
       Alam mo ba mahal gabi gabi kong sinisi ang aking sarili kung bakit ba bigla na lang nagkaganto.

      Alam ko naman na may pagkukulang din ako pero kala ko ba walang iwanan? Asan na yung mga kataga mong mag aaway lang hindi iiwan. Nagagalit lang pero di iiwan. Ayun wala na. Napalitan na ng Lalandi lang ako di kita iiwan.
  
        Mahal Hindi naman kita pipigilan kung sa kanya ka masaya. Ayoko kaseng nakikitang malungkot ka. Gusto ko lage kang nakangiti. Kahit ako eto sobra ng nahihirapan at nasasaktan.

        Ngayon ang pinapanghawakan ko na lang ay yung kataga mong lalandi lang ako mahal pero di kita iiwan. Ayos na sakin na ganto lang. Yung tipong dati ako yung priority pero ngayon option na lang. Pero ito lang mahal kahit ganto tayo ngayon asahan mong pag pinaiyak ka niya kahit wala akong karapatan babawiin kita.

My Book of Random PoetryWhere stories live. Discover now