Alam mo ba una palang kitang nakilala, nahuli mo na ang puso ko. Puso kong Tinamaan ng sobra nang dahil dyan! Dahil dyan sa mga ngiti mo. Mga ngiti mong pumapawi sa lahat ng pagod at mga kalungkutan ko.
Mahirap pag lihim lang lahat. Kahit nasasaktan ako ay hndi ako pwede magselos, magalit, magdrama at manumbat, dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko para sayo. At wala akong karapatan dahil Higit sa lahat walang salitang TAYO. ang meron lang eh IKAW at AKO. Sana araw at gabi'y kasama kita . Para iparamdam sayo ang pagmamahal ko sa ilalim ng mga tala.
Hanggang lihim nalang ba ang pag tingin ko sayo? Pag tingin na hindi ko inakalang manggugulo.
Manggugulo sa aking mapayapang isipan. Na alam kong mahirap ipag siksikan. Na para bang gusto kong ipagpilitan ang maling pagmamahalan. Pag mamahalan na isasangkalan ang lahat at hindi nino man mapipigilan.Hanggang lihim na lamang . Lihim na alam kong hindi ko mababaon hanggang sa aking kabaong. Lihim na sa iba ay nasabi ko ngunit hindi sayo dahil Natatakot ako! natatakot ako na ikaw na mismo ang lumayo.Gago!! Masakit para sakin yon .
Hanggang lihim nalang ang lahat ng ito, dahil alam kong hindi mo ko magugustuhan. Bagamat alam ko na importante ako dahil ako'y isang hamak na kaibigan mo lamang at masakit isipin na hanggang dun nalang yun. Hanggang dun na lang. Alam mo ba Araw-araw kitang naiisip, gustong makita, mapagmasdan, makausap at maalagaan. Maski isang salita lang galing sayo eh ok na ko at pwede na tong tumahan. Tumahan sa pag iyak ang aking pusong sugatan ngunit Noong ako'y iyong mahagkan wari'y pakiramdam ko'y nasa langit na ako at ang aking kaluluwa ay nagkahiwalay sa aking katawan, katawan ko na lagi ikaw ang hinahanap hanap At dinadasal na sana ikay nasa aking harapan.
Pero ako?hinahanap mo rin kaya ako? Sana.. sana pero ayoko nang umasa't ,managinip pa...Mahal kita, kailangan kita pero gusto ng lumayo sayo nang aking isipan. Dahil alam ko ang kahihinatnat nitong aking kahibangan. Sana balang araw pag malayo na ko sayo, hanapin mo rin ako. Kahit walang ikaw at ako.
Hanggang lihim nalang ang lahat. Umabot man ako sang panig ng mundo ikaw parin ang laman nitong aking puso, puso ko na sana ay mapagod na sa kahahanap sayo. Hanggang lihim nalang ito.Lihim na MAHAL NA MAHAL KITA, pero alam kong hindi mo masusuklian ang lahat dahil gusto mong magkaroon ng sariling pamilya at babae ang iyong nais. Subalit Ako ay isa lamang silahis.