xx.
Malakas na tugtog ang sumalubong saming magkakaibigan sa isang bar na pinasukan namin.
Napangisi ako ng wala sa oras dahil namiss ko ding mag bar. Simula nang magka boyfriend ako, di na ako nakakapunta sa ganitong lugar. Ngayon lang kasi, hindi ako nagpaalam. I can be a bad girl when he's not around. Atsaka pinagbigyan ko lang naman ang kaibigan ko. and hindi naman ako makikipagsayawan sa ibang lalaki. I'm here to bonding with my friends! I promise this would be the last, hindi na ako magba-bar ulit without my boyfriend.
"Cheers!" Sigaw naming mag babakarda. Sumasabay ang tugtog sa mga tawanan namin. Agad kong nilagok ang wine na nasa baso ko. Naalala ko nanaman siya.
Napapangiti ako kung paano ako ang pagbawalan ni Matt. Ang cute naman niya kasi, para siyang tatay kung pagbawalan ako and I love him because of that. I love him very much. But what have I done? Ba't ko to ginagawa kung mahal ko siya? I should be honest right? Napailing-iling na lang ako sa aking iniisip. At ngayon na pag desisyunan ko na na umuwi na lang.
"Girls! gotta go, My boyfriend is waiting for me!" Tumayo na ako sabay kindat sa mga friends ko.
"Silly girl. Heyyy that's unfair. sabi mo makikipag bonding ka sa amin ngayon. Ngayon lang Cara." Pilit akong hinihila pabalik ni Camille. But no no umiling iling na lang ako.
"Sshh. Go get a boyfriend guys, para maintindihan niyo ako." They just laughed at me. These girls. For the last shot uminom ulit ako ng wine.
"Bye girlllls!" Aalis na sana ako nang may nagsalita sa stage ng bar na ito. Nagsimula na akong kabahan. It can't be.. Alam na alam ko ang boses niya. Ang boses ng lalaking bumihag sa puso ko.
Lumingon ako sa stage. and there I saw him holding a guitar with his smile all over his face.
Ang ngiting nagpapatunaw ng puso ko.
Alam ba niya na nandito ako? anong ginagawa niya dito?
"Cara, is that your boyfriend?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Anna. Yes he is. Imbes na sumagot napaupo ako ulit.
"Wow ha. How sweet of him, nandito na agad siya. Akala ko ba hinihintay ka niya?" Akala ko nga din. Naramdaman ba niya na nandito ako? Kakanta ba siya sa stage na yan? Napangiti ako habang pinapanood siyang inaayos ang gitara. naka kunot noo pa siya habang inaayos ito. Cute.
Nang sandaling maayos na niya. Ngumiti siya ng matamis sa kanyang manonood. Napangiti din ako kasabay niya. Hayy this guy never failed to make me happy.
"I dedicate this song to the most amazing girl who captivated my heart." Naghiyawan ang mga tao sa bar. Yung mga friends ko naman kinukurot kurot ako.
"Ayyy iba. Tara Marga hanap na tayo agad ng boyfriend kainggit si Cara eh. May pa amazing amazing pang nalalaman yung boyfie niya." Tinawanan ko na lang mga kaibigan ko. baliw.
Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa lalaking mahal ko.
nagsimula na siyang mag strum ng gitara.
"I found a love for me, darling just dive right in and follow my lead" As much as I want to watch him singing, I slowly close my eyes to feel the rhythm in his voice. Wow I never thought na maganda pala talaga ang boses ng mahal ko.
"I found a girl, beautiful and sweet I never knew you were that someone waiting for me" Kanina lang ang ingay ng bar na ito, ngayon tanging tugtog ng gitara na lang at ang boses niya ang maririnig mo ngayon.
I remember those happy moments with him. Kung paano siya nanligaw, paano ko siya sinagot, paano namin pinasaya ang isa't-isa, minahal ang isa't-isa. Mga kulitan, tawanan, ang pagiging maalaga niya sa akin, cute gestures niya, lahat lahat bumabalik sa akin. Ang mga memories na ito dadalhin ko hanggang sa pagtanda. At sa mga future memories naming dalawa, parating may puwang ito sa puso at isipan ko.