Chapter 44 *The war has started*

3.2K 88 3
                                    


YUMIKO POV

Namulat ako ng makaramdam ako ng kirot sa may bandang tagiliran ko.

Nasaan ako?

Ang huli kong natandaan ay yung pumunta akong simenteryo para makipagkita kay brent...


Bigla nalang tumulo ang luha ko.

Muli kong naalala ang kanina.

Si brent....

Bakit niya nagawa sakin to?

Pupunasan ko sana ang mga luha ko ng biglang pumasok sa isip ko na nakatali pala ang kamay at paa ko.

May duck tape din ako sa bibig.

Hindi ko maiwasang hindi humagulgol.

Hindi.

Hindi si brent ang may gawa nito sakin.

Hindi niya kayang gawin to sakin..

Sabi niya, mahal niya ako.

Kaya alam kong hindi niya ito magagawa sakin.

Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Sumisigaw ako ngunit isang malakas na ungol lang ang lumalabas sa bibig ko.

Nanghihina ako.

Hindi ako ganito dati e.

Bakit ngayon ang hina ko na?!

Bakit napaka-iyakin kona?!

Nasa isang lumang silid ako at ako lang mag-isa dito.

Nangingibabaw sa loob ko ang galit.

gusto kong pumatay!

Galit ako sa mga taong nasa likod nito dahil sa paggamit nila kay brent!

"Hmmmmmmm!!!!!" malakas kong ungol habang tumutulo ang mga luha ko.

Bigla naman bumukas ang pinto saka niluwa doon ang dalawang armadong mga kalalakihan.

Pinipilit kong magpapakatatag kahit na alam kong Nanghihina parin ako sa mga nasaksihan ko ngayon.

Hindi ko tanggap.

"Gising na pala ang assasin! haha"

Nagtawanan silang dalawa.

Kahit na lumuluha ay nagawa ko parin silang samaan ng tingin.

Mapapatay ko sila!

"Hmmmp! Hmmmp!" Ungol ko at pilit na tinatanggal ang tali sa katawan ko.

Shit!

"Oh pare! Mukhang may sasabihin ata!"

lumapit naman sakin yung isa sabay tanggal nung duck tape na siya namang nagpasigaw sakin sa sakit.

"ugh! Fuck you!!" malutong kong mura sa kanila.

tumawa lang sila na para bang mga demonyo.

Lumapit sakin yung isa.

"Masaya bang pagtaksilan ng isang kaibigan?"

bigla akong napatigil.

Nang-gigigil na ako dahil sa galit pero tiniis ko lang.

"Oo! Ang saya-saya!! Pwe!" sigaw ko sabay siya dinuraan.

Bigla naman siyang tinawanan nung isa niyang kasama.

"Shit! Pasalamat ka at ayaw kang pagalawin ng boss namin!" duro niya sakin.

Sinamaan ko lang sila ng tingin.

When miss assassin meets her match (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon