Chatmates (One Shot)

339 12 11
                                    

A/N: Hi! So eto ang pang-apat kong story. Salamat ulit kay Fiel Abrea para sa cover. :3

Nagrequest po kasi ang bida sa istoryang ito na si Elaiza Plata na gawan ko sya ng story. Kaya etoo. XD

Sorry ulit kung parang ginawa ng isang tamad. Pero... TAMA KAYO. Tamad nga gumawa nito. ❤️ bwahahahha.

Ge enjoy, kung kaenjoy-enjoy. :) Vote. Comment. At follow nyo na ren ako. XDD

BASED ON TRUE STORY PO ITO. Hahahaha. Jk. XD (=^ェ^=)

-----

Uhh. Sobrang boring naman!

Dapat pala pumasok na ako kahit ganito kundisyon ko.

Nakakapangsisi lang.

Masakit sa puso.

Actually, masakit sa mata. T^T

Kasi...

NAKAGAT AKO NG IPIS SA MAY MATA!

Leche namang ipis yun oh! Sa dami ba namang parte ng katawan ko na pede nyang pagpilian na kagatan, eto pang malapit sa mata ko!

Langya! Kahit takot ako sa ipis, lalo na pag lumilipad, ita-track down ko yung kumagat sa akin at paghahampas hampasin sya ng tsinelas!

Attendance na nga lang ang tanging mape-perfect ko sa school, sablay pa!

Huhubells lang. T__T

At dahil na ren nadala ako ng aking boredom, napagdesisyunan kong mag-log in sa aking MSN account.

"Hmm. Wala namang masyadong exciting na magagawa dito e."

*POOF!*

Nagulat ako ng biglang may nag-IM sa akin.

JollyHotDog says: Oy! Elai! BAT KA ABSENT KANINA?! YAN TULOY, ako MAG-ISA ang nagreport ng topic natin sa Environmental Science!

NAKO. Patay. May report nga pala kami ni Fiel sa E.S! Shet. Nakalimutan ko!

Terror pa naman teacher namin dun.

Ibang klase rin naman tong si Fiel kung magalit.

I am PrettyGoddess says: Ahh. Sorry nga pala Fi! Yamo, next time babawi ako sa'yo! :)

Di na ako makakabawi jan. Kasi di na magkakaroon ng next time. Dahil ililibing na ako ng buhay ni Fiel!

JollyHotDog says: DI KO HININGI SORRY MO. SABE KO, BAKIT KA ABSENT?!?!?!

Sabe sa inyo e. Malupet magalit. Di natanggap ng sorry.

I am PrettyGoddess says: Tungkol ba dun? Hehe. Eh kasi...

JollyHotDog says: EH KASI ANO?!

I am PrettyGoddess says: Nagkalagnat ako e. Sorry. Sobrang sakit lang talaga kasi ng ulo ko kaya di na ako nakapasok.

Hay. Lord, please sana maniwala sya. Sana maniwala sya. Sana maniwala sya.

JollyHotDog says: Sa 8 years of friendship naten, kilalang kilala na kita. Kahit sa chat, ALAM KONG NAGSISINUNGALING KA.

Omaaaaaaaayyyy. T^T

I am PrettyGoddess says: Ahh. Sige Fi! Tinatawag ako ni Mama e. May iuutos ata. Sigeee! ^_^ bye!

Hay. Patay talaga ako bukas. Di na ako pedeng umabsent pa, mapapagalitan lang ako ni Mama.

---

Hapon, pagdating ko sa bahay galing sa school, humiga agad ako sa kama at napabuntong hininga.

Chatmates (One Shot)Where stories live. Discover now