Yellow Umbrella

22 1 0
                                    

Madalas ko siyang nakikita tuwing umuulan.

Sa mga panahong iyon palagi siyang may dala-dalang dilaw na payong.

Para bang may hinihintay siyang tao na dumating

"Mr. Castillano, can you tell me the formula for acceleration?"

Mula sa pagkakatingin ko sa kanya sa bintana ay naibalik ang atensyon ko sa klase noong tawagin ni Ma'm ang pangalan ko.

Sinagot ko muna si Ma'm pagkatapos ay umupo ulit ako.

Tumingin muli ako sa katabi kong bintana ngunit wala na siya doon.

*

May mga pagkakataon na sumasagi siya sa isipan ko.

Tuwing umuulan ko lang kase siya nakikita na nag-iintay sa may waiting shed at palaging bitbit ang dilaw niyang payong.

Pero dahil sa mga nakalipas na araw ay maaliwalas naman ang panahon ay hindi ko na siya nakita muli.

Ayun ang inakala ko

*

Mula sa katabi kong bintana ay nakita ko ang madidilim na ulap, nagbabadya nang bumuhos ang ulan.

Sunod kong tinanaw ang waiting shed. Umaasa akong makikita ko siya roon na nag-iintay katulad ng dati.

Pero 'di tulad ng inaasahan ko ay wala siya doon.

Nakakapagtaka.

Natapos na ang klase at 'di nga ko nagkakamali, bumuhos ang malakas na ulan na mistulang talon sa lakas.

At kapag nagkataon naman ngayon ko pa naiwan ang payong ko. Ang malas ko naman.

Siguro iintayin ko na lang tumila ang ulan bago ako umuwi pero mukhang matatagalan pa ko dito dahil walang humpay pa rin ang buhos ng ulan.

Habang nag-iintay sa may silungan ng building namin ay tumingin ako sa palagid. Nahinto ang pagmamasid ko sa katapat na waiting shed ng building namin.

Nakita ko siya doon na nakatayo, dala-dala pa rin ang dilaw na payong.

Bahagyang humina na ang ulan at maaaninag na ang paligid.

Kaya naman nakikita ko na siya.

Maliit lamang siya. May katamtamang buhok na aabot sa balikat at base sa kulay dilaw na I.D lace niya ay fourth year din siya katulad ko.

Nakakapagtaka at hindi ko pa siya napapansin sa mga assembly namin, pati na rin noong field trip.

Siguro dahil sa bagong lipat pa lang ako rito kaya 'di ko pa siya nakikilala.

Palagi rin kase nakatungo ang kanyang ulo katulad ngayon kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Dumaan siguro ang limang minuto na tinitingnan ko lamang siya.

*plik plop plik*

Bigla niyang iniangat ang kanyang ulo.

Tumingin siya sa direksyon ko.

Ngumiti siya pero agad rin niya itong binawi.

Mukha siyang nadismaya sa kanyang nakita.

Pasensya naman kung di ako kagwapuhan.

Sumunod ay isang pangyayaring hindi ko inasahan.

Binuksan niya ang dilaw na payong

Nagsimula siyang maglakad papalapit..

Papalapit ng papalapit saakin

*plik plop plik plop*

1...

2...

3...

Huminto na siya, sa harapan ko.

Bahagyang natatakpan ng dilaw na payong ang kanyang mukha.

Parang bumagal ang sandaling iyon nang iangat niya ang dilaw na payong.

Nakatingin siya sa aking mga mata at may namuong marahan na ngiti sa kanyang mukha.

*plik plop plik plop*

"Gusto mong makisukob?"

ang mga sinambit niyang salita sa akin.

Nginitian ko rin siya bago ko ibigay ang sagot ko sa tanong niya.

"Sige ba, ako si Julius at ikaw ay si?"

*plik plop plik plop*

"Ako si Joy"

Noong araw na yun may nakilala ako

Ang babaeng palagi kong nakikita

Isang babaeng marahan kung ngumiti

Ang babaeng una at huli kong nakasabay sa ilalim ng

yellow umbrella.

~

Mais says:

corny as ever pa rin XD oh well deep well wishing well :)) sana may nasiyahan at sa mga hindi mahahanap niyo rin yan. keep searching andyan naman si google XD

*hugs&kisses*

-Iskabebe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yellow UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon