Chapter 1: Boyfriend?

700 32 11
                                    

Nadine’s P.O.V

“Ate, alam mo ba.. Pangarap kong magkaroon ng Boyfriend. Kaso hindi ako malakas kay God eh, hindi pa natutupad ang hiling ko. Ate, naranasan mo na bang kiligin? Kasi ako.. Hindi pa eh. At kating kati na ako na maranasang maramdaman iyon. Tsaka ‘te, alam mo ba yung feeling na nao-OP ka sa mga kaibigan mo? Sila kasi, may mga boyfriend na. Eh ako? Wala, eto, nganga pa rin. Hindi naman siguro ako tatandang dalaga ano? HA-HA-HA.” Nandito ako sa puntod ng ate ko. Kinakausap ko siya, wala kasi akong ka-chika eh. Busy yung mga kaibigan ko sa pakikipaglandi sa mga BOYFRIENDS nila. (Oh, sarcasm ‘yan!)

“Spell mo nga naiingit ate! N-A-I-I-N-G-I-T! Naku, mali! N-A-D-I-N-E! ‘Yan ang tamang spelling! Hahaha!” Para akong takas sa mental ‘di ba? Tumatawa mag-isa at kinakausap ang puntod. Hay, hayaan mo na nga. Alam kong naririnig naman ako ni Ate kahit nasa langit na siya eh.

“Oo nga pala ate, malapit na akong grumaduate ng College you know? Super excited na talaga ako! Proud na proud nga sa akin sila Mommy eh!” Sayang talaga ate, kung buhay ka pa sana, edi naging proud din sa’yo sila mommy. Alam niyo? Malapit na nga sanang grumaduate nun si ate eh! Kung hindi lang siya nag-drop out kasi may sakit siya.. Malalang sakit.

“At sana.. sa saktong pagbigay sa akin ng diploma ko, makita ko na ang magpapatibok sa puso ko.” Nginitian ko yung puntod ni ate, “Ayan ate, nasolo mo ba? Sabihin mo ‘yan kay God huh?” natatawa kong sabi. Pero siyempre, joke lang ‘yun.

“Sige na, bye na ate. Bibisitahin nalang ulit kita sa Sabado.”

Pinagpag ko muna ang palda ko bago umalis. Ang baliw ko lang ‘di ba? Pero okay lang ‘yun, maganda naman. :P Hindi katulad ng iba diyan, weird na nga, mukha pang taong grasa. Hahaha!

At saka, hindi pa ako nagmemeryenda eh. Ang tagal ko kasi dito sa sementeryo, 3 hours siguro? Ah basta. Kausap ko kasi si ate eh. You know what? Miss ko na siya! Eh kayo? May pumanaw na ba na mahal niyo sa buhay? Namimiss niyo rin naman sila hindi ba? ‘DIBA?

Alam niyo ba, sobrang nalungkot ako ng malaman kong may malalang sakit na pala si ate. Eh kasi naman, close na close kami eh. Kumbaga, sisters slash bestfriend kami. Yung ganun? Ah basta, ang mahalaga, safe naman siya sa heaven.

Don’t worry ate, siguro may 80 years pa ako para mamuhay dito. Pagkatapos ‘nun, magkikita na ulit tayo.

*Swoooosh!*

 

 

Biglang lumakas ang hangin.

Eh? Wala naman sa balita na may bagyo ngayon ah? Parang kanina lang ang init init tapos biglang hahangin?

Teka nga, parang kapareho nito yung mga napapanood ko sa mga horror movies ah? Akala nila simpleng hangin lang, ‘yun pala mult—

*Goosebumps*

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

James Reid for SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon