LIMY 1

14 2 2
                                    


Kacey's POV



"P*tik. Monday na naman"

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng aking ulo. Seguro HangOver lang to.

Dumeritso na ako sa banyo upang maligo. Di man tumagal ay natapos na akong maligo, nagbihis at nag ayos.  Unang araw ko ngayon sa bago kong paaralan na papasukan. Sana naman maging ok na ang school year ko ngayon bilang 4th year high school.


 Sana naman maging ok na ang school year ko ngayon bilang 4th year high school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako nga pala si Naomi Kacey Lee. 17years Old.  Hindi ko alam kong maganda ba ako o pangit. Hindi naman kase ako mahilig tumingin sa salamin eh.  Kase para sakin, ang tunay na maganda hindi makikita sa panlabas na anyo kundi  nasa panloob.


Inayos  ko an ang aking unipormi at kinuha ko na ang bag ko tsaka lumabas sa kwarto. Malaki rin ang bahay namin pero kami lang ni ate ang nakatira dito. Bored man pero sanay na kami.

Pagbaba ko ng hagdan ay  nakita ko ang isang maleta at isang malaking bag. Kay ate to. Saan naman kaya siya pupunta? Iiwan din ba ako ni ate at sasama siya sa nobyo niya? Bat ba palagi nalang akong iniiwan nila?


Bigla akong may naamoy. Kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko si eonni na nagluluto. Sa amoy palang alam na alam ko na ang kaniyang niluluto.. RAMEN.

"Nayyyy Ang bango ah." Niyakap ko si ate mula sa likod niya. "Ate. Saan ka ba pupunta? Bat may maleta sa sala?" Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at hinarap niya ako. 

"Kacey.. Diba nung nakaraang araw may sinabi ako sayo tungkol sa trabaho ko?" Tinitigan ko lang siya. "Natanggap na kase ako bilang sekretarya sa isang kompanya sa korea.. Kaya medyo matagal tagal akong  mawawala. Kaya mo naman ang sarili mo diba?"


Tinitigan ko lang siya. Iiwan na naman ako ng taong mahal ko. Siguro ito talaga ang kapalaran ko. "O-ok lang ako dito ate" pinigilan kong di umiyak dahil ayaw kong makita ni ate na umiiyak na naman ako.     "Mag-ingat ka ah. Pasalubong ko ate wag mong kalimutan."  Ngumiti nalang ako

"Haha ikaw pa ba? Of course. " binalik niya ang tingin niya sa nilulutong ramen.  "Luto na pala. Sige mag handa ka na, ihahain ko lang to" naiyak din si ate. At ramdam ko. 

Naaawa tuloy ako sa kanya. Kung pwede kang akong maghanap ng trabaho gagawin ko pero ayaw ni ate. Ayaw niyang makita akong nahihirapan. Pero siya? Ako tuloy nag naaawa sa kanya.

Sabay kaming kumain ni ate. Pagkatapos nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang susi an nasa bulsa ko at pinaandar ang sarili kong kotse.

Hanggang school ko lang magagamit tong kotse ko. Wala pa kase akong license kase di pa ako 18. Pero malapit na din naman magkaroon. 
Mga 15mins. Lang at nandito na ako sa bago kong school. Ang Blue Hills University.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luckily I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon