Juice

1 0 0
                                    

"Hala dadaan na naman siya!"
"My gosh ano ba yang buhok niya?"
"Oo nga, ang nipis tapos ang pangit pa."

Mga bulong-bulungan ng mga tao tuwing dadaan ako. Normal na at hindi na ako nasasaktan sa pinagsasabi nilang masasakit na salita tungkol sakin.

Lahat ng tao sa aming bayan ay may makakapal at makintab na buhok. Ako lamang ang naiiba. Manipis na halos mabibilang mo lang kung ilang tumubong buhok sa akin sa loob ng ilang oras. Ganyan kanipis ang buhok ko.

Sabi ng mga magulang ko na sadyang pinanganak talaga ako na kakaiba. Unique kumbaga. Pero kung ganito pala ang unique, mas gugustuhin ko ang conformity. Simula pagkabata hanggang ngayon ay nasanay na ako na palaging may suot na wig upang itago ang aking buhok ngunit nakita nila ito noong minsang aksidenteng natanggal ng kaklase ko.

Iyon yung araw na nagsimulang kumalat at pinagtawanan ang aking buhok. Ni hindi ko nga ginusto to.Anak daw ako ng mangkukulam o baka ni Gollum. Minsan naisip ko na ring mas mabuting mawala nalang ako dahil sa araw araw na pambubully na ginagawa nila sa akin.

Isang araw, habang naglalakad ako papunta sa aming paaralan, may matandang ale na biglang lumapit sa akin. Siya yung tipong katatakutan mo unang kita mo pa lang. Mahabang buhok na umaabot sa talampakan. May tungkod na dala at parang walang ligo dahil sa dumi ng kanyang damit.

"Alam ko kung anong tinatago mo sa ilalim ng wig na iyan. Ikaw ay naiiba sa kanilang lahat. Busilak ang iyong puso kaya bibigyan kita ng isang regalo."

Bigla niyang nilabas ang isang bote kagaya ng gatorade at may laman ito.

"Isa itong mango juice. Ilagay mo to sa buhok mo at makikita mo ang resulta."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako at tumawid. Wala akong ibang nagawa kundi mapatulala at nalilito. Ngunit nilagay ko nalang ito sa aking bag at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakaupo ako sa isang mesa sa aming canteen. Maingay dahil recess time kaya maraming tao sa canteen. Nakalagay ang boteng binigay ng matandang babae kanina sa lamesa at napapatitig nalang ako rito.

"Oy anak ni gollum! You look stressed. Alam mo bang nakakaubos ng buhok ang stress."

At tumawa siya kasama ng kanyang mga kaibigan. Napayuko nalang ako at kukunin na sana ang bote para umalis ngunit pinigilan nila ako.

"Ano yang dala mo? Painom naman. Makakabili ka pa naman nito diba? Bili ka nalang ulit. Akin nalang to."

Kinuha niya ang bote mula sa akin. Babawiin ko sana ngunit pinagtulungan na nila ako. Napayuko ulit ako at naglakad palabas ng canteen. 

Naisip ko kung totoo nga ba ang sinabi ng matandang babae kanina. Kung totoo nga ay wala na rin siguro akong pag asa dahil kinuha na nila sa akin ang bote.

Nang nasa hamba na ako ng pintuan ay nkarinig ako ng tili at napalingon sa kung saan nagmumula ito. Nagulat ako sa nakita ko. Napasinghap ako at ang mga tao na nasa canteen na nakakita.

Yung babaeng uminom nung juice kanina, may mahaba at makintab na buhok ngunit sa bibig niya tumubo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bizarre ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon