_Angel's POV_
Owkay!Ansaya!Nandito na kami sa bahay nila Owen.Grabe!Sobrang ganda at laki ng bahay nila.
Habang naglalakad kami papasok sa bahay nila may nakita akong babae sa may pintuan nila,na sa tingin ko ay nanay niya.Kamukha niya eh!Ang ganda ng mother niya ha.May pinagmanahan talaga!Charought(Charot) XDD
"Ah anak nagugutom ka na ba?"tanong ng nanay niya habang papasok na kami sa loob.Kaso parang wala siyang narinig kasi nilagpasan niya lang yung nanay niya.Ay ang bastos kausap?Bastusin na bata tong si Owen aba!
Pagkapasok sa house.....
"KUYA!"sigaw ng isang batang lalaki habang tumatakbo papalapit sa kanya.Nung makalapit na yung bata agad nitong niyakap si Owen.
"Pwede bang bitiwan mo ko!?Pagod ako!'Wag mo akong kulitin Blue!"sigaw niya sa kapatid niya.Wow!Asul pala ang pangalan ng kapatid niya!Hahaha ang cute! Nakita kong nangingilid na yung luha ng kapatid niya at siya naman parang wala lang yung ginawa niyang pagsigaw sa kapatid niya.
Dere-deretso na siyang umakyat at siyempre wala akong ibang gagawin kung hindi ang sundan siya.Sinara niya agad yung pinto ng hindi pa ako nakakapasok.Okay heto na naman tayo,tagos lang ng tagos teh hanggat kaya pa.Tss!
Pagkatagos ko dun sa pinto niya.
O_O<-------reaksyon ko ng makapasok na ako sa kwarto niya.
"Ahhhhhhh!Ano ba!Nagbibihis ako!"sigaw niya habang binabato niya yung mga damit niya sakin.Pero siyempre wa-effect.Tumatagos lang yung mga damit niya sakin.Agad naman akong tumalikod at pakiramdam ko nabablush ako kasi nakita ko yung abs niya.
Ang hot niya pala!Aisshhh!Ano ba Angel!Erase,erase,erase!Sabi ko sa isip ko habang umiiling-iling.
After few minutes......
"Oy Owen!P-pwede na ba akong humarap?"sabi ko ng medyo nauutal.
"K!"sabi niya.Taray oh!
Humarap na ako sa kanya.Nakaupo siya sa dulo ng kama niya kaya lumapit na ako sa kanya.
"Pwede bang umupo?"tanong ko sa kanya.
"Okay!But keep distance!"
"Wow nemen!Ilang taon mo inaral yang line na yan?Feeling mo naman may gagawin ako sayo noh!"sabi ko at naupo na.Bale nasa magkabilang dulo kami ng kama niya.
"Watever!"taray talaga nitong lalaking toh oh.
"Tss!Pwede bang magtanong?"
"Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan?"
"Okay.Follow up question!Bakit ganun yung trato mo sa nanay at kapatid mo?May galit ka ba sa kanila?"
"Bakit?May mali ba?Tsaka ano bang pakelam mo?"wow ha!Nice answer!Nagtanong ako tapos tanong din yung sagot niya.Labo neto!Gosh!
"Alam mo ang sama mo!Sagutin mo na lang yung tanong ko."
"Fine!"sigaw niya sakin.
Suminghap muna siya bago nagsalita.
"Oo galit ako sa kanila.2 years ago namatay ang papa ko.Nalaman ni mama kaya siya umuwi dito.Nagulat na lang ako sa pagdating niya na may kasama siyang bata at yun ay si Blue,anak niya sa ibang lalaki.Yun siguro ang dahilan kung bakit niya ako iniwan,mas pinili niyang sumama sa lalaki niya.Makasarili siyang ina at wala siyang kwenta."
"Huwag mo ngang sabihin yan!Nanay mo pa rin siya kaya dapat tanggapin mo siya.Mahalin mo siya kahit gaano pa kalaki ang naging kasalanan niya.Mahalin mo rin yung mga taong dumarating sa buhay mo tulad ni Blue kasi isa siya sa bubuo at magpapasaya sa pagkatao mo."
"Tsk!Bakit mo ba sinasabi yung mga ganyang bagay sakin?Para sakin hindi ko kapatid yung batang yun.Maswerte nga siya kasi mula pagkabata niya kasama niya na yung nanay ko hanggang sa lumaki siya.Eh ako?Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak at maghintay na baka bumalik ulit si mama at magkaroon ako ng buong pamilya."
"Ayaw mo ba magkaroon ng kapatid?"
Natahimik lang siya bigla.Alam na!
Nagsalita na lang ulit ako."Alam mo ba nung nabubuhay ako may kapatid din ako.Sobrang mahal na mahal ko yun.Lagi kaming magkasama sa kalokohan at lagi siyang tumatabi sakin sa pagtulog kapag natatakot siya.Bestfriends nga kami eh!Pinapahalagahan namin ang isa't-isa pati na rin yung mga taong nagmamahal samin tulad ng mga magulang namin.Kaso isang araw kailangan ko siyang iwan."
"B-bakit?"
"Naglalaro sila ng patintero ng mga kaibigan niya nun.Tapos may nakita akong paparating na sasakyan.Nakatalikod siya nun kaya agad akong tumakbo at agad ko rin siyang tinulak palayo at ako yung nabangga ng sasakyan.Masyadong malakas yung pagkakabangga sakin kaya naging kritikal ang lagay ko nun.Maraming dugo rin ang nawala sakin kaya hindi kinaya ng katawan ko at alam ko hanggang ngayon sinisisi niya pa rin yung sarili niya sa pagkawala ko."
"S-sorry."sabi niya.
"Sorry ka diyan!Bakit?Ikaw ba yung driver ng sasakyan na nakabangga sakin?"
"H-hindi noh!Di pa nga ako marunong mag-drive eh!"
"Hahaha!Chill ka lang.Masyado kang hot!"
"Tsk!"sabay irap niya sakin.Bakit ba ang taray-taray ng lalaking toh!Meron ba to ngayon?Ewww!
"Sana may pagkakataon ulit akong mabuhay.Sana maging tao ulit ako tulad ni Miho."sabi ko tapos bigla siyang tumawa.
Hala?May nakakatawa ba sa sinabi ko?Seryoso ako dun noh!
"Bakit ka natawa?"
"Eh kasi hahahaha!Kung makahiling ka hahaha!"
"Yung totoo?Tawa ka kaya muna bago explain.Duh!"
"Okay sige na.Eh kasi naman hihiling ka na nga lang yung imposible pa!"
"Kaya nga may salitang miracle diba?Utak please."
"Tsk!oo na lang."
"May hiling sana ako sayo?"
"Bakit sakin?Bakit hindi dun kay JC."
"JC?"
"Jesus Christ.Tsk!Ang bobo."
"Ganun?Kasi alam kong kaya mong tuparin ang hiling ko."
"Anu ba yang lintik na hiling mo?Iphone?"
"Hindi yun!Anu ka ba!Ang hiling ko,sana mahalin mo rin yung kapatid mo pati na rin ang mama mo.Tanggapin mo sila ng buong puso at pinapangako ko sayo na magiging masaya ka kapag ginawa mo yun."
Suminghap muna siya bago nagsalita.
"Okay.I'll try."
Napangiti ako bigla sa sinabi niya.
"Oh bakit nakangiti ka?Wala pa nga akong nagagawa tapos nangiti ka na agad.Bawas-bawasan mo nga yang ngiti mo,mapupunit na yang mukha mo eh."sabi niya.
"Ano naman sayo?Natutuwa ako kasi you'll try.Duh!Walang PAKIELEMANAN!Charot."
"Arte mo!Lumayas ka na nga.Matutulog ako!"sabi niya at nahiga sa kama niya.
"Okay!Goodnight!"
"Oo na!Daming sinasabi!Tsupii!"sabi niya at nagtalukbong.
May kabobohan ding tagalay tong lalaking to eh noh!Anung madami sa sinabi ko?Aluhhh!Bigti na!
YOU ARE READING
Ghost Lover?
RandomAng layo ng title sa kwento!Hahaha!Kebs yan!:D Favor sa magbabasa ng storyang toh.Vote niyo kung magustuhan niyo po!Salamat!Comment din kayo para inspired!XD "Angels may not come when you call them,but they'll always be there when you need them."