Naalala ko 17 years old ako nung una kong nakilala ang taong nagging parte ng buhay ko, second year student siya habang first year naman ako. Iisang college school lang ang pinapasukan namin yon nga lang bukod sa mag kaiba ang year level naming eh mag kaiba din ang course naming dalawa.
Una ko siyang nakilala sa canteen ng school namin.
yon yung unang araw ng class namin pero dahil wala naman masyadong ginagawa nag punta ako at yung dalawa kong friends sa canteen , tamang upo lang kami don palipas oras at kain ng lunch, nung araw na yon may apat o limang grupo ng studyante na puro mga lalake, medyo may kaangasan kaya hindi na ako nag bigay ng time para sipatin pa sila hangang sa nag salita yung canteen personnel namin at tinanong kung bago lang daw ba kami, sumagot naman kami ng oo at sabay gulat ng isang student para bumili kaya umupo nalang kami sa isang sulok at nanuod ng mga studyante na nag bibilliards
Hanggang sa may isang lalake na papansin at pahara-hara at parang ewan na nag papacute sa harapan namin.
Matangkad na lalake, tamang tama lang ang katawan, napaka broad ng balikat niya na kinaganda ng tindig niya, one sided ang buhok na pag humangin nakikita ang kabuohan ng muka, yung mata niya medyo malaki at yung smile niya nakakatawa, una ko palang napansin at hinding hindi ko malilimutan yung t-shirt niya na may hood, pants niya na kulay pupu hehe, siya si Jeof.
Grabe nung nakita ko siyang nakatingin sa akin namula talaga ang muka ko at isa pa inaasar kasi kami ng mga kaibigan niya kaya un sa inis ko bumaba na kami ng mga kaibigan ko at sinungitan siya. Palibhasa kasi nasanay ako na pag gusto ko ang isang tao hindi ako nag papakita ng mutibo kaya tuloy akala nila masungit akong babae, actually yon din ang first impression ng mga kaibigan ko sa akin na masungit daw ako, matalino at mukang may kaya sa buhay pero ang totoo isa lang naman ako sa simpleng studyante na gusto makapag tapos ng pag aaral.
Isang araw nag punta ako sa accounting department ng school namin para mag bayad ng tuition fee, nung papasok na ako sa loob ng accounting wala masyadong studyante kaya hindi ako nahiyang pumasok at mag hintay ng attendant para maasikaso na ang babayaran ko. Laking gulat ko ng pag pasok ng attendant ng accounting may kasabay siya na grupo ng mga lalake ang pumasok at umupo pa sa upuan ng accounting, naka yuko lang ako dahil familiar ang boses na naririnig ko at pag tingala ko para mag bayad nakita ko si Jeof at ang mga kaibigan niya, nginitian niya ako pero ako hindi ko siya sinuklian ng kahit na plastic na pag ngiti, kaya kinausap niya ng attendant na ka close niya at sinabi na mataray daw ako at hindi ko daw siya pinapansin, sabi naman ng attendant wag na daw ako kulitin kasi nga freshmen palang daw ako pero binubola bola na niya. Nagulat ako ng sinabi niya na “sir seryoso po ako gusto ko makuha ang no. niya” sabay luhod niya sa harapan ko, natawa lang ako at sinabing wala akong no. dahil wala naman talaga akong cell phone nung time na yon. Pag tapos nun kinuha ko na ang resibo ko at tumayo para umalis.
Ilang araw din ang lumipas na hindi nagtatagpo yung time ng class namin kaya minsan parang hinahanap ko din yung mga pangungulit niya sa akin, kasi naman may gusto talaga ako sa kanya pero ayoko naman na pumasok lang sa school dahil may gusto akong tao.
Isang araw may lumapit sa akin na second year student na kakilala ko hinihinge niya yung no. ko kasi daw may itatanong siya regarding sa school, ginawa ko binigay ko no. ng mama ko kasi nga wala naman akong cell phone at isa pa regarding school naman yung itatanong niya kaya ok lang.
Pag uwi ko ng bahay isang hapon nagulat ako sa mama ko may nag txt daw hinahanap ako pero ayaw sabihin kung sino siya. Nung gabi na tinxt ko yung no. at sinabi ko na kung hindi siya mag papakilala hindi ko na siya re2plyan at wag na din siya magttxt sa no. ng mama ko. Mga ilang minuto may nag txt sabi ng mama ko para daw yon sa akin, “hi Anne si Jeof pala i2, pasensiya kana talga kung pinahinge ko no. mo”, natawa ako habang binabasa ko yon at medyo kinikilig din.