JONAS'
Date written: February 2015
I often ask myself what love is and trust me, up until now, I don't have the answer yet.
Hello! Just call me Jonas. I'm a first year college student. May pagka loko, seryoso (sometimes), sadista, mapambara, and many more.
Nagsimula ito nang pasukan na namin nung second sem. I don't know why, pero bigla ko nalang naramdaman. Maybe you can call this unrequited cause ako lang kasi yung may gusto sa kanya and wala naman siyang gusto sa akin (for sure).
Itago nalang natin siya sa pangalang MAO (Initials niya). Matangkad, halos kasing height ko na nga siya. Maganda, maputi, ang mga mata niyang mapupungay na may mapipilantik na pilik mata ay natatakpan ng salamin niya, simple at may pagka kalog, smart and magaling kumanta.
Alam ko na nagtataka kayo (?) kung bakit nung first sem eh, hindi ko pa siya crush, ako nga din nagtataka eh. Pero, I find her attractive, 'di ko naman maipagkakaila, dalawa nga sa mates kong lalake ang nagka-crush sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap maging crush. Walang kaarte-arte, simple and masarap kasama.
Lagi nga siyang kinakantyawan dahil sa may mga mates kaming may crush sa kanya, siya naman eh, ngiti lang ang tinutugon. Hayyy, how lovely this girl is.
Days went fast, natapos na namin ang first sem. Busy sa pagkuha ng grades and pagpapa-pirma ng mga clearance, ganyan talaga sa school namin, ang daming ginagawa.
And then, sem break na, though 'di naman namin feel kasi halos wala mang two weeks.
Plus yung sem break na two weeks lang, kasama na dun ang pagpapa-enroll at kung ano pa.
~fast forward~
Okay, second sem na, at sila pa din yung mates ko, including siya. Though may ilang nawala at may ilang dumagdag. Ganun pa din ang scenario, aral-kwento-aral-break. Naging mas busy kami.
Then, kapag may free time, syempre, mga tao din kami, kailangan naming mag-break. Ako, kasama at ka-kwentuhan ko ang mga barkada ko, siya naman, lagi niyang kasama yung mga close friends niya.
They will sing, particularly yung song na "Tadhana" ang title at ang ganda lang ng boses niya, feel niya yung pagkanta, kuha niya yung song. Though, may kasama siyang kumakanta, mas prefer kong pakinggan yung boses niya. Masarap din siyang tignan, yung tipong kung nakaka-lusaw yung titig ko eh nalusaw na siya. At yun lang yung time na nagpagtanto ko na, crush ko na pala siya.
One day...
Two days...
Weeks....
One of my friends noticed... and then, wala na akong nagawa at sinabi ko na nga sa kanya na crush ko nga siya, pero syempre, I told them not to spread the news, medyo nakakahiya.
Lagi lang ganun yung scenario, pag-dadaan siya eh, tinitignan ko lang siya. Tapos, yung mga baliw ko naman na mga barkada eh, magpaparinig... eh ako naman, babawalan ko sila.
I thought, ganito nalang siguro, yung titingin nalang ako sa kanya. Eh, anong magagawa ko, di ko naman masabi? Hayyyyy.
.....
It's a tiring day, as usual, gising, hilamos, laptop and when it's almost time, I will prepare the food of my youngest brother. Ako kasi yung maghahatid ng food niya sa school niya, and then after kong i-prepare yung food, I'll take my bath and then, sasabay ako kay Tita, libre kasi niya yung pamasahe ko.
Nakadating na ako sa intersection, doon kasi yung sakayan namin papuntang school. Grabe, singit, siksik, upo and punas ng pawis, ang nangyari sa akin nun, napaka-init kasi.
BINABASA MO ANG
This LOVE she'll never notice (a short story)
Short StoryThis is based on my experience. Copyright © 2015 by ConceitedGuy All Rights Reserved