Chapter One

3.8K 48 2
                                    

Amberlee's Point of View

"Kawawa naman siya Amber" ani ni Ally sa akin dahilan upang mapa angat ako ng tingin.  Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Ally at nakita ko si Denzel Cassanova ang top playboy dito sa school namin. Kasama niya si Rose, yang si Rose well isa sa pinakamatalino sa room well hindi sa pag-ibig.

"Kasalanan naman din nila eh, alam na nilang playboy pumatol pa"  umiiling na saad ko habang sinusndan sila ng tingin. Minsan talaga hindi ko maintindihan yung ibang babae alam na ngang niloloko sila, sige patol pa rin.

Well, sa totoo lang naawa ako kay Rose, babae rin naman ako pero ang hindi ko lang ma take ay, alam naman niya na manloloko yung tao pumapatol parin. She's better than that pero ewan ko ba bakit siya nagpapakatanga doon. Well ganun lang siguro yun hindi lahat ibibigay sayo.

"Tama ka jan, friend. Sayang si Rose, top pa naman sa klase pero kapag sa pag-ibig, tang*"  pag-sangayon ni Ally sa akin.

"Hayaan mo na nga sila, buhay nila yan, nasa kanila kung paloloko sila or hindi--- tsaka kala ko ba mag-rereview tayo, bakit ba tayo nagkukuwentuhan dito?"  binalik ko ang attensyon ko sa notebook ko, sa totoo lang gusto ko na itong iyakan kasi hangang ngayon wala parin ako maintindihan. Napaangat naman ako muli ng tingin kay Ally, aba ang loka nakatingin lang sa phone nito.

Napataas naman ang isa kong kilay "Kala ko ba mag-aaral tayo? bakit ka ba nakikipag, text jan sa jowainn mo?"

"Alam mo Amber" panimula ni Ally sabay kagat doon sa pizza pocket niya masarap yun famous dito sa D'University yang pizza pocket, sparta ang labanan sa pagbilo niyan.

"Kahit anong review mo para sa midterm na iyan, Wala rin naman sense kasi wala naman sa tinuro niya iyong lalabas"tama siya wala sa lecture yung pinapa-exam nung prof namin, Madalas pa nga wala sa tinuro niya nagulat ka na lang nasa tanong na niya.

"Palibhasa kasi.. dean's lister ka kaya nasasabi mo yan" sabi ko sa kanya sabay irap.. at tinuon ko ulit ang attensyon ko sa pagbabasa. minsan nga inisip ko kamag-anak niya si Einstein or spirit animal ba.

Kasi sa bahay hindi yan nag-aaral puro nood lang ng mga Korean and Japanese drama, kapag nasa eskuwelahan naman ito ay puro games lang ang ginagawa. Tapos matatas pa ang nakukuha nitong grade, pero ako kahit ata sunugin ko lahat nung buhok ko mababa parin makukuha ko.

Napagbuntong hininga naman ako, may point nga si Ally kasi nung prelim todo review ako pero ang outcome eh waley.. Wala doon sa lecture yung lumabas sa exam .. Sinarado ko na lang yung notebook ko

"Oh, Akala ko ba mag-rereview ka?" kunot noong tanong ni Ally

"Wala rin. naman point kung mag-review ako hindi na kaya ng neurons ko mag-absorb ng info" sabi ko habang hinahawakan ang sintido ko.

Napailing iling lang sa akin si Ally " Okay lang yan Amber pa kopyahin na lang kita gusto mo"  ani nito sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako, Alam kasi nito an hindi ko kayang mangopya sa exam--pero homeworks sige gorabells lang yan.

"Amber.. balita ko may gagawin kayong movie ni Mr. Playboy.. ano naman reaksyon mo?" Yes, artista ako yun yung work ko at unfortunatelly same management kami nung Denzel na yun. Saka kaya lang naman ako pumasok sa industry dahil. Gusto kasi ni mommy na mag-artista ako, kasi pangarap niya noon iyon kaso hindi natupad. Kaya ito ako ang tumutupad sa pangarap niyang iyon.

"Masaya" sabi ko in sacastic manner

" I knew it i knew you could not resist my charm babe" napatingin naman ako sa likoran ko at nakita ko ang pinakaiinisan kong tao sa buong mundo. Teka bakit bang bigla na lang sumusulpot 'itong lalaking ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It started with  a WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon