Prank Call

392 15 0
                                    

Chapter 3

Nabalitaan ng buong campos ang nangyari kay Hilmar kaya nangangamba ngayon si Jhade na baka sya ang isusunod nila Peter.

Gusto nyang dalawin si Hilmar pero baka gabihin sya dahil may mga gagawin pa sila sa school.

Aileen: Sasabay ka sa amin dahil natatakot kami na baka ikaw ang isunod nila Peter.

Jhade: Oo.

Chedie: Sila din ba ang gumawa nong nasa kabilang room tayo tapos nilagyan nila ng gagamba yung upuan mo?

Jhade: Oo sila.

Chedie: Alam na ba ng mga teachers ang ginagawa nila sa iyo?

Jhade: Dapat sasamahan ako ni Hilmar ngayon kaso nasa hospital pa sya.

Aileen: Ang sama talaga nila.

Jhade: Sila din ang nag kalat ngayon sa room. Cleaners pa naman tayo ngayon nakakainis talaga sila.

Chedie: Huwag kang mag aalala may mga kasama naman tayong mag li-linis ngayon.

Noong uwian na ay naiwan sila Chedie at Aileen sa principals office para mag linis samantalang si Jhade ay nag hihintay sa labas.

Nilapitan sya nila Peter.

Peter: Tignan mo nga naman ang pag kakataon ano.

Joshua: Umuwi ka na. Ano pa ang hinihintay mo dito?

Jhade: Hinihintay ko sila Chedie at Aileen.

Joshua: Ihatid ka na lang namin.

Jhade: Ayoko. Alam ko kayo ang gumawa kay Hilmar non.

James: Huwag kang mag bintang ha.

Jhade: Kayo lang naman ang madalas na nanggugulo sa amin.

Edgar: Tara may pupuntahan tayo.

Hinila nila ang kamay ni Jhade at pumunta sila sa  likod ng campus. Tinulak nila si Jhade sa putikan at kinalat nila ang mga gamit nya.

Mas lalo nila syang pinahirapan dahil walang tu-tulong sa kanya. Nag eenjoy naman ang mag ka-kaibigan ma bully si Jhade.

Jhade: Tita tulungan mo ako.

James: Walang makakarinig sa iyo dito.

Peter: Baliw ata ito. Anong Tita ang sinasabi mo ha?

Edgar: Nandahil sa iyo nag kahiwalay kami ni Hydee. Pakialmera ka  talaga.

Jhade: Tama lang na malaman nya na niloloko mo lang sya.

Edgar: Ah ganon ha.

Niloblob ni Edgar si Jhade sa putikan. Umiyak na ito at nag mamakaawa sa kanila. Pagkatapos nila pag tripan si Jhade ay iniwan na nila sya. Pinulot ni Jhade ang mga gamit nya kahit maraming putik na ito.

Umuwi syang puno ng putik ang katawan. Naligo syang umiyak. Naaawa naman si Annie sa anak.

Nakiusap sya sa Ina na huwag mag sumbong sa principal. Ayaw muna nyang pumasok sa school hanggang sa hindi pa gumagaling ang mga sugat nya sa tuhod at sa braso.

Hindi nya alam ang gagawin nya pag bumalik na sya ng school. Gagawa at gagawa sila Peter ng paraan para ma expel sila ni Hilmar sa school.

Nag kulong sya sa kwarto at nag mukmok. Umiiyak sya at takot na takot sya kina Peter.

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon