School of Mystery:Prologue

9 1 0
                                    

Ngiting tagumpay ang dalawa habang nililinisan ang hawak na baril ni Amiel at Ikkin. Habang nakahandusay  ang apat na tao na kapwa naliligo sa sariling dugo.

"Siguro naman ata ngayon wala nang takas ang apat na ito." He said. Mark the sarcasm in his voice. Sabay soksok ng baril sa tagiliran at may bahid na malademonyong ngiti sa labi pang pinakawalan.


"Ano ba naman Amiel, sino pa ba ang mabubuhay sa lagay na yan? Kung halos sampung bala ang nakatanim sa katawan mo?." Dugtong naman ni Ikkin sa kapatid nito. Hindi nga halata na magkapatid ang dalawa pareho ang tabas ng dila eh. Sa larangan ng baril kapwa di papatalo. May paninindigan rin sa kung sino ang papatayin at bubuhayin.



Sa kaso ng apat na napatay? Kawawa lang nila. Malas lang. Siguro karma na rin yun sa kanila. Akalain mong patayin at gahasain pa ang kaibigan nilang si Angel. Masyadong binaboy ng apat ang kaibigan nila. Napaaga nga ng masyado ang pagkamatay nila. Pero lintik lang ang walang ganti. Eka nga ng nakararami.


Sa kabilang banda,bakas sa mukha ni Elleah ang pagkabalisa at pagkagulat sa kanyang nasaksihan. Hindi na alintana sa iba ang pangyayari. Ngunit pagdating sakanya first time ang  lahat nang nangyare. Hindi lang talaga mawala't maalis-alis sa sistema niya ang magulat sa tuwing makakasaksi ng ganoong pangyayari.
Dala na rin siguro ito ng trauma niya simula pa pagkabata. Minassacre ang pamilya ni Elleah  sa bahay nila mismo. Mabuti na lang at naitago siya ng mga magulang nito sa likod ng aklatan ng Ama.

Simula noon, nangako siya na maghihiganti at bibigyan ng hustisya ang nangyare sa mga magulang niya. Dinala siya ng mga paa at pagkakataon sa grupo ng "BloodInk".
Grupo ng mga kabataang bihasa sa larangan ng pagpatay.


Amiel Delfino at Ikkin Dave Delfino magkapatid na hinubog sa paggamit ng baril. Bata pa lang ay alam na nila ang bawat detalye ng baril. Sampung taong gulang si Amiel at walong taong gulang naman si Ikkin  Dave ng pinatay sa harap nila mismo ang mga magulang nila.


The question is who is this fucking shit killer? At bakit hindi pa sila pinatay kung papatayin lang naman pala nila ang mga magulang nila?


Reven Arienda,biktima rin na anak ng senator na pinatay rin ang mga magulang sa loob ng sarili nilang tahanan. Maging ang dalawa pa nitong kapatid ay hindi rin pinalampas. Ck Sabad at Franco Vencion magkaibigan simula pagkabata. Na kapwa biktima rin na pinatay rin ang buo nilang pamilya ng magbakasyon ang mga ito sa beach resort ng mga Arienda sa Palawan. Kaibigan ng mga Arienda  ang mga Sabad at Vencion. Magkababata sila kaya maging ang mga anak nito ay close sa isa't isa.


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito. Sino ba talaga ang pumapatay? Ano ang motibo niya para patayin ang mga inosenteng pamilya? Mga inosente nga ba sila? O sila rin ang dahilan kung bakit sila napatay. Konektado ba ang lahat ng ito? Saan?



Sino ang puno't dulo ng lahat ng ito? Sino ang nag-utos at ano ang kanyang dahilan sa karumaldumal na pagpatay sa mga biktima?

Why is it for money? Position? Power? What? Who was the real killer? Or let me say,the murderer behind this massacre.

"Don't me. You don't know me from the very start. I can do anything you can't do. Just tell me what it is and I will do it for you? Or to you? Kapalit man ay buhay mo o ang buhay ng iba."
From: K




All Rights Reserved 2017

Matutis International Academy:School of Mystery
Matutis SECRET

Matutis International Academy:School of Mystery Matutis SECRET

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

           

Enjoy reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Enjoy reading.  Please expect the grammatical error.  Beginner

Matutis SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon