PROLOGUE ~
"Inuulit ko.. Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba itong si babae, upang maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa.. Sa lungkot at ligaya, hanggang sa papaghiwalayin kayo ng kamatayan?"
Isang matinding buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ulitin ng Pari ang katanungan niya.
Paano ba naman kasi, nandito ako sa isang kasal kung saan ako ang groom.. -____-
Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot ko.
Pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ba 'tong napasok ko! >//<
Nanahimik ako sa buhay ko. Nag-eenjoy masaya at walang inaalala tapos magigising na lang ako, ikakasal na ako?! -___-
Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ito.
Ang magpakasal sa isang babaeng pangalan lang ang alam ko..
Tinignan ko silang lahat...
Si Mommy, na naluluha.. Sa saya? Sa lungkot? Ewan ko.
Si Daddy na nakatitig sa akin na nagsasabing "Make me proud, Son."
Ang mga bisita na tila nakacross fingers at hinihintay na um-OO ako.
At ang isang inosenteng babaeng nakangiti sa akin. Babaeng dapat kong pakasalan... Hawak niya ang kamay ko at nakatingin siya sa mga mata ko.
Gulong gulo ang isip ko ngayon.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko..
Basta ang alam ko lang hindi ako handa para rito.
Pumikit ako ng mariin saka ko binitawan ang kamay niya.
"SORRY."
Tanging nasabi ko sa kanila bago ako tumakbo palabas ng simbahan nang hindi manlang tintignan ang sari saring reaksyon nila.
Tumakbo ako ng tumakbo. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang importante makatakas ako.
Ay. Teka. Nakalimutan ko pala ipakilala ang sarili ko.
Ako si Mark Evan Martinez..
I'm the Runaway Groom and this is my story..
*******
Note:
Phew. Nawala ako sa concentration babies. XD Sensya na lame ang PROLOGUE.
Dedicated kay Chiastine Last at Dimple. <3
~BarbieRra♥
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
RandomWhat if magising ka isang araw, ikakasal ka na sa isang taong hindi mo kilala? Tatakbo ka ba? :D