All characters, organization, places and events are completely fictional. This are made solely by the author's imagination and some similarities are purely coincidental.[ ERRORS AND TYPOS AHEAD! MARAMING MURA KAYA READ AT YOUR OWN RISK!! ]
Porsche
Kinuha ko lahat ng love letter at tinignan ito isa-isa. Nang wala naman ang hinahanap ko ay tinapon ko din ito lahat.
"Tara," malamig na sabi ko at inakbayan ako ni Collin.
"Hindi ko alam na uso pa pala ang love letter sa panahon ngayon.", Radge said. Napamulsa ako at pumikit.
"Musta kayo ni Mitch?" Collin asked and I look at him seriously.
"Hindi pa ba halata na malapit na kaming mag break?",tanong ko sakanya at natawa ito.
Putangina. Anong nakakatawa doon?
Tinulak ko siya at napatiim bagang.
"Funny?" galit kong tanong at umiling ito.
"C'mon Syntax, babae lang si Mitch- " muntik ko ng kwelyuhan si Collin kung hindi lang ako pinigilan ni Radge.
"Syntax tama na." pigil nito.
"Pigilan mo yang tangina mong bibig." he just raise his middle finger to me.
Napailing ako at iniwan sila sa locker room. Hindi ko alam kung bakit sila ang naging kaibigan ko. Hindi ko makausap ng matino.
Sinipa ko ang maliit na bato sa gilid...
Bakit ang unfair ng mundo?
Parang kahapon lang ang saya saya. Ngayon nawala kaagad. Minsan na nga lang sumaya binawi pa.
Saktong tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Mama ang tumatawag.Pinatay ko ito at pinagpatuloy ang paglalakad.
Ilang beses pang tumunog kaya nairita ako at sinagot na din.
"Hey Syn! I miss you my little boy" kumunot ako noo ko at napairap sa kawalan.
"Mom I'm not a child anymore and please don't call me-" tamad kong sabi at naiirita na.
"Oh I'm sorry Syntax! Nakalimutan ko kasi yung lunch ko kaya kung pwede lang sana ay dalhan mo ako dito sa Ospital. You know I have a lot of things to do and -"
Binabaan ko na at muntik ng magulat ng magsalita si Radge sa gilid ko.
"Ang swerte mo. Your Mom is a great doctor." umiling ako sa sinabi ni Radge.
"She's very busy with her work. Hindi na nga niya napansin na malaki na ako. Now tell me ,am I lucky?" tanong ko kay Radge at siya naman ang napailing.
Dumaan ako sa restaurant para bilhan ng pagkain si Mama at pagkapasok ko sa Ospital ay halos mairita ako. Tuwing titignan ko ang pasyente ni Mama ay naiingit ako.
Bakit?
Dahil buti pa iyon ay nabibigyan niya ng atensyon. Naalagaan niya. Pinawi ko lahat ng naisip at napailing nalang.
"Hi Syntax." napatingin ako sa babaeng nurse at hindi ko ito pinansin. Kilala ako dito ,hindi dahil sa pangalan ni Mama pero dahil sa mataas ang katungkulan ni Papa sa lipunan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang elevator. Pagtung-tong ko ng fourth floor ay tinahak ko ang mahabang hallway. May mga Doctor na naglalakad at mga taong umiiyak dahil ang mahal nila sa buhay ay mawawala na. Bubuksan ko na sana ang office ni Mama kung hindi lang may bumunggo sa akin.