Hi, I'm Maxine and I'm depressed. I'm 14 years old, I know I'm too young to feel this kinda situation.
Sa araw araw na pagkagising ko, hinahangad ko na sana hindi nalang ako nagising. Ayokong bumangon sa kama dahil natatakot ako na baka pag labas ko makita ko ang mga matang mapanghusga at bibig na peke.
At sa tuwing ako'y tinatanong kung ako'y ayos lang ba? Gustong gusto kong sabihin na hindi ako okay! Hindi hindi ako magiging okay dahil nilalamon ng anxiety ang buong katawan ko!
They asked me, saan mo naman nakuha ang anxiety na iyan?! Anxiety disorders refers to specific psychiatric disorders that involve extreme fear or worry, and includes generalized anxiety disorder, panic disorder and panic attacks, agoraphobia, social anxiety disorder, selective mutism, separation anxiety, and specific phobias. And also Anxiety and Depression are related to each other!
Oo natatakot ako! Nagaalala, nagpapanic, may phobia sa kung saan at selective mutism! But no one knows!
At sa tuwing sinasabi ng iba na madali lang ang depression at kailangan mo lang magrelax? F-ck you dude, kung alam nyo lang kung ano ang tumatakbo sa utak ko.
I feel unwanted, I feel betrayed, I'm fat, Ugly, at walang magawa ng matino sa buhay.
And everytime Mom saying, "You are good at nothing! You are the reason why I'm always stressed! You're always busy! Busy of what? Of your friends out there!"
Yes mom! I am good at nothing, It's all my fault. When I said I'm busy, busy akong umiyak, magmukmok, magisip isip ng kung ano ano, busy sa pagiisip kung paano ko kayo mapapasaya! And I'm busy because I'm trying to be happy and have fun even it's not really fun!
I am so damn tired mom! Can I rest?
Kumakain ako ng kumakain to distract myself! Kinakain ko lahat ang mga nakikita kong pagkain dahil gusto kong libangin sandali ang aking isip at sarli.
"Bakit hindi ka maglinis ng kwarto mo? Ang kalat! Puro ka higa dyan! Wala ka ng inatupag kundi ang humiga at kumain tapos magcell phone!" Mom said.
Oo makalat ako, tamad ako. Hindi ako makaalis sa kama kahit pilitin kong umalis rito because anxiety holds me back through my bed! Mom, can't you see that I can't understand myself?
"Omg! Look at him, siguro naman type mo na sya? Lagi ka nalang kasing walang gusto! Nakakagigil ka alam mo yon?" My friend said.
Wala akong nagugustuhan dahil sinasakal ako ng utak ko! Ang mga bad thoughts na pumupulupot sa puso ko! Sa tuwing iyong sinasabi na ika'y nanggigigil sakin. Napapaisip ako, 'bakit? Wala akong magagawa kung wala akong magustuhan. Bakit kailangan mo akong pilitin sa mga bagay na ayoko?'
At sa tuwing sinasabihan nyo ako ng mga salitang nakakapagpabigat lalo sa pakiramdam ko. Naiiyak nalang ako sa sulok at sinisisi ang sarili kung bakit pa ako nabubuhay?
At noong tinanong nyo ako kung natatakot ba ako sa kamatayan? Putcha! Hindi! Takot akong mabuhay! Ayokong mabuhay!
Pinipilit kong saktan ang sarili ko gamit ang isang patalim at umiiyak. Sinasabayan ng luha ko ang pagdaloy ng dugo galing sa aking mga braso at kamay.
At pagsabay ng pagpatak ng dugo ay yun din ang hudyat na sinaktan ko ulit ang sarili ko. Dinumihan ko ang sarili kong katawan, balat ko.
"Oh you look happier you do." Yan ang saad ng mga taong nakakasalamuha ko, oo nakikita nyo akong masaya. Sapalagay nyo ba ganon kadali ang magpanggap sa harap ng libo libong tao na masaya ako? Na wala akong nararamdamang sakit.
At sa tuwing sinasabi nyo sa akin ang mga salitang ito sa tuwing magoopen ako sainyo, "Bigti na, saklap! Uy masakit yan! Pakamatay na! Tara laslas!" Hindi nakakatulong iyan. Akala nyo ba biro yan? Gustong gusto kong gawin yan pero may takot ako sa diyos.
At sa tuwing darating ang oras na gustong gusto kong umiyak, pero walang lumalabas na luha? Napapatitig nalang ako at sinasabi ko sa sarili ko na kailangan ko ng magpahinga.
Sana naman tulungan nyo akong makalaya sa Depression na ito, dahil hindi ito madali tulad ng iniisip nyo.