•My/your POV•
Lahat ng madadaanan ko sinasabihan ako ng maganda/gwapo at sinasabing proud sila na ganon ako. "Ang ganda/gwapo mo naman. Dati ang liit liit mo lang tapos nakikipaglaro kapa dyan oh hahaha naalala mo ba?" Tanong ng isang matanda sa akin na noong nagtitinda sa kanto namin.
Tumango ako at ngumiti, "Opo naman haha." Sabi ko sabay ngiti ng malawak sa kanya. "Ang saya mo ah! Osge na bata, ingat ka ah? Paalam." Pagkasabi nya non ay umalis na rin sya.
Oo nakikita ninyo akong masaya pero sapalagay niyo ba ay totoo lahat iyon?! Oo, nakangiti ako pero peke iyon! Oo, nakukuha ko pang makipagtawanan pero lahat ng iyon ay pagpapanggap!
Sa tuwing sinasabi ninyo na ang ganda/gwapo ko at nasa akin na ang lahat kaya nagugustuhan ako ng iba. May insecurities din ako! Lagi kong kinukumpara ang sarili ko at sinasabing 'Bakit kailangan pa akong maging ganito?'
Tuwing sinasabi ninyo araw araw na ang ganda/gwapo ko at binibigyan ako ng kung ano anong compliments, gusto ko araw araw kung ano nakikita nyo sakin ay ganoon parin dahil nasanay na ako.
At sa tuwing napapatawa ko kayo at napapasaya, napapangiti, At sa tuwing nakikita ninyong malungkot ako aa sinasabi nyong hindi kayo sanay na ganto ako? Putcha, tao rin ako! Marunong masaktan! May pakiramdam din ako, marunong mapagod at magpahinga.
Darating din ako aa punto na magsasawa, mananahimik, malungkot, mapapagod, magpapahinga, masasaktan, susuko, maiiyak, magbabago, at sana sa puntong iyon... Kayo naman ang magpasaya at magpangiti sa akin tulad ng ginagawa ko sainyo.
At kapag dumating sa punto na bibitaw na ako sa buhay, sana kayo mismo ang kumapit sa akin at sabihin na lumaban, huwag sumuko.
At kapag dumating yung oras na pagsawaan nyo na ako? At pagod na kayo sa akin, sana sa oras na mamatay ako, HUWAG KAYONG UMIYAK. Kasi diba sawa na kayo sa akin? Bat pa kayo iiyak diba?
Minsan tanongin nyo ako kung okay lang ako, at kapag sinagot ko na okay ako, SANA tignan nyo ako sa mata at tanongin ulit kung ayos lang ako.
Nakikita nyo man akong ganito, nasasaktan rin ako.