Ang Pagtatagpo-Fin

6 0 0
                                    

--

Nandito kami ngayon ni Winnie sa Mall mag iisang oras na nga kami dito eh. Hay nako pano ba naman tong beshy ko hindi makapili kung ano yung bibilhin niya.

'Huy! Beshy ano sa tingin mo bilhin ko na ba to? or eto na lang kaya?' pinakita niya yung dalawang librong hawak niya.

'Beshy ewan ko ba sayo bilhin mo na lang kaya pareho. Rich kid ka naman eh. Nagugutom na ako kanina pa tayo dito.' tiningnan niya ako tsaka tumawa. Sabunutan ko kaya tong baliw na to. Kung di lang kita beshy eh

'Sige na nga Sorry na. Libre naman kita after neto. Tara bilhin ko na to.' Sabi niya sabay punta sa counter.

Nag roll eyes lang ako ' Bibilhin mo din pala ginutom mo pa ako. Hmmph Hintayin kita sa labas ah.' tumango naman siya at lumabas na ako ng national bookstore.

'Tara na. Burger King tayo ililibre kita ng cheese burger.'

'Cheese burger eh ikaw may favorite nun wag na tayo dun. KFC na lang gusto ko ng chicken ngayon.' sabi ko sabay hatak sa kanya papunta ng KFC.

'Beshy cheese burger is life may chicken din naman dun!' sabi naman niya.

'Libre mo ako diba. Kaya my choice.' Wala naman siya nagawa at dumiretso na kami sa KFC.

Bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya tumigil din ako at nakita ko siyang nakatingin sa wrist clock niya..

'Beshy eto na yun!' kitang kita sa mukha niya ang kasiyahan di ko din naman mapigilan ang tuwang nararamdaman ko para sa kanya. Isang hopeless romantic kasi si Winnie at lagi niyang hiling na sana romantic ang pagkikita nila ng soulmate niya.

'Beshy! Patingin nga.' sinilip ko ang orasan niya at tama nga siya malapit na. 5 mins to be exact.

'Shet ano kaya itsura niya? Gwapo kaya? Mabait?'

'Beshy I'm sure kahit anong itsura niya bagay na bagay kayo. Kaya nga siya ang soulmate mo eh.'

Naglakad na kami papuntang dun sa kakainan namin.

3 mins..

'Ano order mo?' tanong niya sa akin

'Bucket meal!' Sabi ko sabay ngiti tumango naman si Winnie at pumunta na ng counter para umorder nakakatuwa naman isipin na ilang minuto na lang makikilala na niya ang soulmate niya. Mukhang kinakabahan din siya.

1 min...

Umoorder na si Winnie nang may makita akong lalaking matangkad na pumasok sa loob. Napatingin ako kay Winnie na sinasabi ang order sa cashier.

Ah! Baka si kuyang tall dark (slight lang naman) and handsome ang soulmate ni beshy.

Nakakakilg para akong nanonood ng romantic movie tapos kitang kita ko ang nangyayari.

30s

Nasa likod na ni Winnie si kuyang soulmate niya..

10s

Busy kasi tong si beshy di man lang lumingon. Beshy may yummy kang soulmate lingon ka lingon!

0s

Parang slow motion ang nangyari kinuha ni Winnie yung order namin at pag lingon niya nagkatinginan sila ni Kuya Matangkad. Ayan ngumiti si kuyang matangkad at si beshy halatang kinikilig dahil namumula siya ngayon. Nagmamadali naman siyang pumunta sa pwesto namin.

'Beshy!!' Sabi niya habang nagpipigil ng kilig.

'Yes beshy! I saw! Ang gwapo ng soulmate mo sabi ko sayo bagay na bagay kayo eh!' sabi ko saka kinuha na yung isang bucket ng manok.

Habang kumakain kami makikita mo na nag titinginan pa rin silang dalawa at occasionally na nag ngingitian.

Pagkatapos naming kumain maya maya ay biglang may lumapit kay Beshy Winnie, Ay si Kuyang Matangkad pala yun.

'Hi! I'm Matthew and I'm your soulmate.' Sabi niya, ngumiti siya ng nakakasilaw at iniabot ang kamay para makipag shake hands.

'Hello! I'm Winnie and I'm your soulmate too.' sabay shake hands kay Matthew.

Parang biglang nagkaroon ng mga puso puso sa paligid. Shet ang cute nilang dalawa.

'Pwede ba kitang yayain lumabas?' tanong ni Matthew. Tumingin sa akin si Winnie na para bang nag papaalam kung pwede ba.

'Sige na beshy! Ayan na nga yung soulmate mo o hahaha Enjoy your date' sabi ko habang pinagtatabuyan sila.

'Thanks beshy!' tumango ako at saka siya binulungan 'Kwento mo mamaya ah'

Nakita kong masaya silang lumabas at wag ka hokage ata tong si Matthew holding hands na agad. Hay pag ibig. Umupo naman ako at inayos na ang mga gamit ko uuwi na din naman ako sigurado hahanapin na ako ni Mommy.

Habang inaayos ko ang gamit ko di ko mapigilan na mapatingin sa sarili kong orasan. Napangiti na lang ako ng mapakla dahil nakita ko na naman ang numerong ito.

00:00:00s

Oo simula nang ipinanganak ako yan na ang nakalagay sa wrist ko at hindi pa nagbabago. Ibig sabihin patay na ang soulmate ko. Itinago ko na lang ang orasan ko gamit ang bracelet at umuwi na din.

One ShotsWhere stories live. Discover now