Chapter 1: The Beginning
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE!!
AND DO READ MY FIRST STORY TITLED: TWO WORLDS
HOPE YOU LIKE IT ALL!!
IG: @jaaneella
Objective's.
[Playing: Ikaw by Yeng Constantino]
Bumukas ang malaking pinto ng isang simabahan at napatingin naman ang mga tao sa loob nito at napangiti nang makita nila ang isang babaeng nakabelo at suot-suot ang maganda at eleganteng wedding gown, naglakad papasok ang babae habang hawak-hawak nito ang bouquet ng puting rosas.
Tumayo ang mga magulang ng babae at nakangiting sinalubong ang kanilang anak, nakipagbeso-beso sila at muling naglakad sa pulang carpet. Napangiti naman ang babae nang makita niya ang lalaking papakasalan niya, hindi maipinta ang mukha ng lalaki dahil sa nakikita niya ngayon.
Nang makalapit na ang babae sa lalaking papakasalan nito ay agad na iniabot ng mga magulang niya ang kamay sa lalaki, napangiti naman siya at naluluhang humarap sa mga magulang niya.
"Ma, don't cry! Mas lalo akong naiiyak sainyo ni daddy eh!"
Ngumiti ang kanyang ina at hinaplos ang mukha nito, tumango-tango naman siya at niyakap ang anak.
"I'm just happy, finally my babay found her man."
"I'm not a baby anymore!"
"For us, you're still our baby."
"I love you mom, dad."
Niyakap naman niya ang kanyang ina at sunod naman ang ama nito bago humarap sa lalaking pakakasalan niya, napangiti siya at tumugon naman ang lalaki sa ngiti nito.
Naglakad sila hanggang sa mapunta sila sa harapan ng pari.
Humarap ang babae sa lalaki hawak-hawak ang singsing na handa na niyang isuot sa mapapangasawa niya.
"With this ring, I give you my heart, I promise from this day forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home. I choose you, to be other than yourself, loving what I know of you, and trusting to who you will become. I respect and honor you,always and in all ways, I take you to be my husband, to have and to hold, in tears and in laughter, in sickness and in health, to love and to cherish, in this world and the next. I thank god that I met someone like you, I love you.."
Napangiti ang babae habang umiiyak at muling humarap sa pari, napatingin naman siya sa kamay niya nang isusuot na ng lalaki ang singsing para sakanya.
"I vow to support you, push you, inspire you and above all love you, for better or for worse, in sickness and in health, for richer or for poorer, as long as we both shall live. I take you to be my wife, I promise to choose you everyday, to love you in word and deed, to do the hard work of making now into always."
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simabahan ng matapos mangako sa isa't isa ang dalawa, napa-iyak naman ang kanilang mga ina dahil sa sobrang kasiyahan.
"Ryker Royu, do you take Aylo Carson to be your husband?" Tanong ng pari
"I do, father." Sagot ni Ryker
"Aylo Carson, do you take Ryker Royu to be your wife?"
Ang lahat ay napatingin kay Aylo nang hindi pa siya nagsasalita, napatingin si Ryker sakanya at ngumiti.
Ilang segundo na ang lumipas at hindi parin nagsasalita si Aylo kaya naman inulit muli ng pari ang kanyang tanong.
"I...
-
Ryker.
Nangarap ka bang ikasal sa simabahan o kahit saan basta ang taong pakakasalan mo ay ang taong mahal mo?
Ako si Ryker, hindi ko pinangarap ang ikasal, wala rin akong balak na magpakasal, pero sadyang mapaglaro ang tadhana at nabagsak ako sa isang gwapo at hinahangaang si Aylo.
Alam niyo ba ang tinatawag na arranged marriage? Fix marriage or whatsoever basta may kinalaman sa pekeng kasal?
Ganoon ang nangyari saakin, ipinakasal ako ng mga magulang ko sa taong hindi ko naman kilala noong una. Dahil sa negosyo? Oo, isa 'yan sa mga rason kung bakit ako nagpakasal kay Aylo, pabagsak na kasi ang kompanya nila kaya humingi ng tulong ang parents niya saamin at dahil nga close friends ang mga magulang namin ay go! Ako 'yung naging kondisyon para pumayag si daddy at iyon nga, ikinasal kami noong nag-18th na ako.
Noong una ay inis na inis ako sakanya, masyado siyang mayabang at ang arogante niya! Hanggang sa isang araw ay nagising nalang ako na sa tuwing nakikita ko siya ay biglaang bumibilis ang tibok ng puso ko, naiisip ko siya palagi, nalulungkot ako sa tuwing hindi ko siya nakikita. Para bang hindi kompleto ang araw ko ng wala siya, hanngang sa narealize kong mahal ko na pala siya. Kaya naman noong ikinasal kami ay tuwang-tuwa ako samantalang siya ay mukhang ayaw na ikasal saakin.
Hindi ko alam kung mahal niya ba ako o hindi, hindi ko rin alam kung alam niyang mahal ko siya, ayokong malaman niyang mahal ko siya dahil baka kapag nalaman niya ay magbago ang pakikitungo niya saakin. Hindi parin ata kasi siya nakakamove-on sa hiwalayan nila ni Marie, his ex-girlfriend.
Nalaman ni Marie na ikakasal na kaming dalawa ni Aylo kaya sila nagbreak, noon ay wala pa akong nararamdaman kay Aylo kaya hinayahaan ko lang siyang makipaglandian sa mga babae. Pareho kaming dalawa ni Aylo, player. Yes, you read it right. Dati akong playgirl, 'yung nakikipaglandian ako sa mga gwapong lalaki pero no beds! Yuck! Hindi ko balak na makipag-you know! Never! Hinding-hindi ako makikipag-tooot, unless sa taong makakasama ko habang buhay. Hindi ako naniniwala sa forever, pero naniniwala ako sa infinity.
Tama na nga, mabalik sa kuwento. Twenty two years old na ako so apat na taon na kaming kasal ni Aylo, malamig parin ang pakikitungo niya saakin well, hindi naman naging mainit. Anyways, umuuwi parin naman siya sa bahay namin, alam ko rin namang hindi siya nangbababae dahil ako parin ang asawa niya.
Napatingin ako sa singsing na nasa ring finger ko, napangiti ako at nagtungo na sa kusina.
"Ipagluluto ko siya ng dinner!"
Masayang bigkas ko at inihanda na ang mga lulutuin, hiniwa ko ang mga ingredients at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasugat ang kamay ko.
Bigla akong kinabahan sa nangyari pero agad din akong nakabawi at hinugasan nalang ang sugat.
-