CHAPTER 2
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko unang bumungad saakin ang puting kisame nasaan ako?
Nilibot ko ang aking paningin hindi pamilyar ang kwartong to sa kwarto ko!
Napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot ito dahan dahan akong umupo sa kama saka ko napagtanto nasa ospital ako! naalala ko bigla yung mayabang na lalaki sa kalsada sino ba yun? bakit sumakit ang ulo ko ng makita ko siya? Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at bumungad saakin ang mukha ng lalaki na nakita ko bago ako mawalan ng malay.
"Meishiah!...ayos ka lang ba may masaktan ba sayo!? Ha!?" Sabi nito at inilang hakbang ang palitan namin. Nagulat ako ng bigla na lang ako nitong niyakap at hindi lang basta yakap.Sobrang higpit na yakap parang mapipisa na ako.
"Ahm...s-sino k-ka?...at bakit mo ako niyayakap?" Tanong ko dito at nagpupumiglas sa pagkakahawak nito. Sinong Meishiah? Hindi ko kilala kung sino mang sinasabi niya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako diresto sa mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong yakapin pa ito. Nagiwas ako ng tingin Hindi ko nakayanan ang intensidad ng pagkakatitig nito saakin
"H-hindi po kita K-kilala" napatingin ako dito ng hindi ito nagsalita.gusto ko ulit magiwas ng tingin ng makita ko ang sakit sa mga mata nito parang may kumirot sa puso ko dahil sa nakita.
"A-anong sinasabi mo? Hindi mo ba ako kilala? I-Im your bo—"
Hindi niya na natuloy ang sinasabi dahil umiling iling ako sa sakaniya. Sigurado akong Hindi ko siya kilala. Ngayon pa lang kami nagkita.
"Ahm...b-baka nagkamali lang ako kamukha mo kasi siya"pilit ngiting sabi nito.
"Hindi ako si Meishiah" Sabi ko dito dahil Hindi ko naman pangalan 'yon.
May Nakita akong emosyon sa mata nito ngunit hindi ko malaman kung ano yun.
"A-ah don't mind me, l just miss my girlfriend so much akala ko kasi.... nevermind"
Nadismaya naman ako sa sinabi niya may girlfriend na pala siya parang may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"A-ahm ganun po ba? Bakit niyo napagkamalan na ako yung girlfriend mo e, ngayon lang tayo nagkita 'tiyaka hindi naman po kita Kilala" I told him
"Ah--" hindi niya natuloy ang sasabihin ng bumukas ang pinto nakita ko ang doktor ang pumasok.napakagwapo ito sa tancha ko kaedad ko lang,bakit ba naglalabasan ang mga gwapo ngayon?
"Kamukha mo nga siya" he muttered
"Po?" Hindi ko kasi narinig ang sinabi niya dahil bulong lamang iyon.
"Wala naman, by the way based sa test,over fatigue ka at kulang sa tulog kaya siguro nawalan ka ng malay and you should rest I recommend that eat healthy foods and don't stress yourself too much" mahabang lintana nito.
"Okay po doc salamat"
"Ahm...do you mind if I ask you something?" Napakunot noo naman ako.
"Ano Po yun doc?"
"Wala ka bang naalala? I mean you got accident or something? May naalala ka ba noong childhood mo?"
"Ahm bakit po doc? "
"Wala naman, pagsumakit ang ulo mo ay inumin mo lang ang gamot na irereseta ko sayo" sabi niya saakin.
"Opo dok, thank you po"
"Welcome" nakangiti nitong sabi at bumaling sa lalaking di ko kilala.
"Sige dude alis na ako, marami pang pasiyente eh" sabi nito at tinapik ang balikat.
"Sige dude, salamat"
Pag alis ng doktor ay nakaramdam ako ng hiya sa lalaki kanina pa Kasi ako nito tinitignan Kaya Naman ay naiilang ako. Parang kinakabisado nito ang mukha ko na parang may inaalala siya.
"Ahm a-ano" Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman ito kilala ngunit sa titig nito ay parang may Alam ito sa akin.
"What's your name?" He Coldly asked while intently staring at me.
Natakot naman ako sa klase ng paninitig niya saakin at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang pangalan ko. Sa huli ay sumuko ako at nagbaba ng tingin.
"M-Michaela Hernandez" I said while stuttering. Nakita kong tumango tango ito at tumayo naalarma naman ako dahil hindi ko alam kung saang ospital 'to.
"A-no maraming salamat pala sa pagdala sakin dito pero hindi ko alam kung saang lugar itong ospital na pinagdalhan mo saakin"
"Don't worry I will send someone to drive you home" napatango tango naman ako dahil sa lamig ng boses nito. Wala na yung pag alala at lambing ng boses niya.
Bago tuluyang lumabas ay tiningnan ako nito ng mabuti na parang pinag aaralan ang mukha ko.
"Nice to meet you Michaela"
Naiwan naman ako sa loob na nakatulala, napakadaming tanong ang laman ng utak ko sa mga nangyayari, bakit niya ako tinawag na Meishiah?. Bakit niya ako kilala pati yung doctor kanina ay parang nagulat ng makita ako.
Pinagsawalang bahala ko lamang iyon dahil palagay ko ay namumukhaan nila ako dahil siguro sa girlfriend niya. Parang nakungkot naman ako sa naisip na agad ko naman iwinaksi sa aking isipan. Bakit ko nga ba nararamdaman ang ganitong bagay.
We just met.
Sandali pa akong nanatili sa kwarto ng maalala kong hindi ko alam kung anong pangalan niya!
BINABASA MO ANG
THE FORGOTTEN LOVE
RomanceMeishiah Moira Santos is a very beautiful woman, a loving daughter and every man's dream. Ika nga ng mga kaibigan niya ay na sakaniya na ang lahat mayaman, matalino at higit sa lahat may mabuting puso. Kaya naman ay hinahangaan ito ng mga kalalakih...