Introduction

30 0 0
                                    

2 years na nakalipas simula nung iwan mo ko... akala ko ba forever tayo?

Anong nangyare? Bakit mo ko iniwan bigla? Ni hindi ka man lang nagpaalam, ni wala man lang sorry o goodbye? Ang duga mo naman, sabi mo mahal mo ko eh, bakit ganun nalang? Oo, nagaaway tayo, pero reason ba yun para iwan mo nalang ako bigla dito?

Iniwan mo ko mag-isa sa mundong to eh, bakit ba hindi mo nalang kase ko isinama??

Sana tayong dalawa nalang yung namatay, Cassandra. Ang sakit, hanggang ngayon masakit parin, hindi ako makapag-mahal ng iba kase ikaw parin yung nasa puso ko. Napapagod na ko umiyak Cass...

... di ba hindi dapat umiiyak ang lalake? Sabi mo yun eh, dapat ako yung matatag sating dalawa, pero hindi ko pala kaya Cass. 

Sorry, hindi ko natupad yung pangako ko na ilalakad kita sa altar. Ikaw kasi eh, bumigay kagad eh, ang duga duga mo.

The worst thing is, you had your last breathe between my arms kaya feeling ko tuloy ako yung may kasalanan, wala akong nagawa para marevive ka. Ang tanga tanga ko, kung nadala siguro kita sa ospital, edi sana buhay ka pa, sana masaya tayo ngayon, sana hindi ako miserable.

Ang duga mo naman eh, ikaw mukhang masaya ka na kung nasan ka man, o kung totoo man nga yang tinatawag nilang langit! Tapos ako dito, ang gulo gulo ng buhay ko, sana nandito ka sa tabi ko tapos 99% ng problema ko ikaw ang nagssolve, parang dati lang. 

Napapangiti talaga ko kapag naaalala ko kung pano mo binago yung buhay ko, kung panong yung dati na basagulero, nagkaron ng point yung buhay.

kung panong yung mabisyo at aangas-angas na katulad ko eh, napatino mo.

Miss na miss na kita Cass, hindi ko alam kung paano pa magkakaron ng saysay yung buhay ko, tulungan mo naman ako oh. Parang bumabalik na yung dating Raffy na kinainisan mo, yung Raffy na gusto mong patayin, saksakin at kinamumuhian mo.

Ayoko ng ganito Cass, alam kong ayaw mo rin nito. Sorry, mukhang hanggang ngayon, nasasaktan parin kita. Wala talaga akong kwenta.

Pasensya ka na ha, sorry Cass.

---

HI!!! HELLOOO! GRABE IM SO PROUD OF MYSELF! HINDI NA KO CAVEMAN!! I AM A WRITER (SELF-PROCLAIMED ACTUALLY) BUT I LOVE WRITING STORIES PERO HINDI AKO NAGUUPLOAD SA WATTPAD. SA NOTEPAD NG LAPTOP KO LANG AT SA NOTEBOOK KO PERO NOW, IM HERE!! THE WRITER WANNA BE MEETS WATTPAD! HI WATTPAD!! HI SAINYOOO. SANA MAGUSTUHAN NIYO YUNG STORY KAHIT LAME SIYA. =))) YUN LANG MUNA

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon