Chapter 1

18 0 0
                                    

 Tumayo na ko sa pagkakaupo sa harap ng puntod ni Cass, ang babaeng pinakamamahal ko. Grabe ang bilis pala, dalawang taon na pala simula nung gumuho yung mundo ko. Korni ko ba? Wala eh, mahal ko talaga, kaso langhiya! Kinuha naman din kagad sakin nung kung tawagin nila eh 'Lord', totoo man siya o hindi, wala akong pakialam basta ayoko sakanya, galit ako sakanya.

Dumerecho ako sa bar, dun ako lagi pumupunta, matik na yun. Parang bahay ko na nga to eh, araw araw, ibang babae kasama ko, tina-try kong mawala siya sa puso ko, pero wala eh siya paren. Minsan naiisip ko kung tama ba yung ginagawa ko pero yun nalang naiisip kong gawin eh. "Oh nandito ka nanaman pre" sabi ni renzel habang inaabot yung beer ko, siya yung tropa kong bartender dito sa bar nato. "Ano bang bago? Heh, ano may nakita ka bang babae?" pagtapos ininom ko yung beer ko, i felt a sudden relief. The alcohol washed away my depression, even just for awhile.

"Ay oo pre, kaso hindi wild katulad ng ibang babae dito, tahimik kaso mukhang suplada. Si Cass nga una kong naisip nung nakita ko yun eh, kase diba tahimik din yun tapos ang bai--" i cut him off, "Shut it, Renzel!! walang kapareho si Cass, okay!? nag-iisa lang siya! Wag mo siyang ikumpara sa mga babae dito sa bar dahil unang una, hindi nagpupunta sa mga ganitong lugar si Cass dahil hindi siya laspaging babae!" hindi ko napigilan ang sarili ko, ang dami kong nasabi kahit alam ko namang walang sense yung sinabi ko pero nainis kasi ako eh, tama bang ikumpara si Cass sa iba!?

I calmed down tsaka nagsalita, "where's the girl?" ngumiti siya ng nakakaloko bago sumagot, "ayun oh sa gilid, mukhang hindi nageenjoy eh, lapitan mo na pre" i replied with a smile. Hindi pala nageenjoy ha, ngayon mageenjoy ka. "Hi miss, magisa ka lang? Pwede umupo?" she stared at me for a few seconds bago sumagot. "No and no" ano daw?? No and no? mukhang confused siguro yung itsura ko that time kaya dinugtungan niya ng "No, im not alone and no, you cant sit with me" ABA! lintek, ang sungit pala nito! Sus, di naman maganda! "Why are you still there!? Can you back off?? You're blocking the view!!" aba etong english spokening dollar na mestisang panget na to ang kapal ng mukhang paalisin ako ha!

"I am the view!" sagot ko tapos umupo sa tabi niya, mukhang masarap asarin tong mestisang panget na to ah. "you asked me if you can sit beside me, and i answered no, but you still did. Why did you asked in the first place if you'll do what you want anyway!?" ininom ko muna yung beer ko, "hoy tigil tigilan mo ko sa english mo, let's enjoy the night! wag kang KJ" tsaka ako umakbay sakanya pero pinalo niya yung kamay ko tapos tumayo "PERVERT!!! stay the hell away from me!" aba umakbay lang ako, pervert na!? "Hoy, lumingon ka nga sa paligid, ang daming naghahalikan oh, tapos ikaw inakbayan ka lang, pervert na!?"

Pag ako hindi nakapagtimpi dito sa spokening dollar na to, kikidnapin ko to eh! "Ugh! Whatever! Just.. Just go away!! You're ruining my mood!" ANO DAW?? "Ruining your mood?? Eh malayo palang ako sayo busangot na yang mukha mo eh, gusto ko ngang plantsahin na eh sobrang lukot!" mukhang kumalma naman si spokening dollar tapos bumaba yung nakapamewang niyang kamay "Do I really look like that??" ginaya ko yung pagkakasabi niya, "do i really look like that?? Opo, miss. Parang gusto mong mangbigwas nalang bigla eh" umupo na ulit siya, hay salamat, kala ko tatawag pa ng bouncer eh, may pa-pervert pervert pa.

"Uhm.. okay, look, im sorry. It's just that, im not in the mood" di kaya to nauubusan ng english!? "Eh bakit ka pa nagpunta dito kung wala ka sa mood??" bago siya makasagot, dumating naman yung waiter kasama yung ladies' drink na lagi kong binibigay sa mga nakakausap kong babae, alam na ni renzel yun. "thanks. as if i have a choice!" tapos tumingin siya sa dancefloor, masama nanaman yung timpla ng mukha kaya sinundan ko yung tinitignan niya. Babae tsaka lalakeng naghahalikan.

I laughed, "may gusto ka dun sa lalake no!?" sinamaan naman niya ko ng tingin "you're not helping! that guy, he's my ex-boyfriend" oh? ex na pala eh ano dinadrama neto? "that girl? she's my bestfriend. we broke up because she loves him" kumunot yung noo ko, di ko ata naintindihan, "ano!? Ganun ka ka-martyr??" yumuko siya tsaka nagpatuloy.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon