Umuulan ng malakas...
Halos di ko na maaninag ang daan sa lakas ng buhos nito.
Nagmadali akong maghanap ng masisilungan at sakto, nakita ko yung kubo na tinutuluyan namin ni...
Sa tapat ng kubo, nakita ko ang isang kalesa na walang kabayo sa unahan. Sinilip ko ang loob nito, at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
"Nando?"
Oo, si Nando nga! Ngunit bakit... parang may mali?
Lumingon sa direksyon ko si Nando. Ngunit habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, tila nawawala ang kulay ng paligid...
"A-anong nangyayari? Nando?"
...Hanggang sa unti-unting naging kulay abo na lamang ito.
"Ako ang akala mong ako, ngunit hindi ako ang kilala mong ako."
Ang sabi nya sakin...
At bigla akong nagising.
KNOCK KNOCK
"Doc Matias? Tao po..."
Alam na agad ni Matias kung sino ang kumakatok sa maagang oras na alas-6.
Syempre, dahil halos mag-paalipin na 'tong bida natin dito sa kanyang so-called pag-ibig. Bumangon sya at naghilamos ng sobramg bilis. Maharap lang ng maayos ang Kaibigan.Binuksan na nya nang dahan dahan ang pintuan. Kabado sya ng onti sa kung anong sasabihin ni Nando.
Matias: "U-uy Nando, I wasn't expecting na ikaw pala yan hahahaha."
Nando: "Hahaha oo nga ho."
Awkward silence..
Sa isip ni Nando: Ano bang nakain nito at after 2 months nakaranas din ng suklay yung sabog at kulot nyang buhok? Atsaka, bakit iba aura nya ngayon?
Sabihin mo nga duktor. May balak ka bang kahabaghabag?!
Sa isip ni Matias: Ano bang nakain nito na after 2 months na kapitbahay ko sya, eh ngayon lang sya lumapit sa akin ng kusa?
Sabihin mo nga duktor, Napo-fall ka na ba sa akin? ehe~
Nando: "Doc, bakit ho kayo nakangiti ng walang dahilan?"
Matias: Nagulat "A-ANO? H-HINDI AH! M-may naalala lang ako na joke. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Nando: "Ah... okay..."
Sa isip ni Nando: t*ngina natatakot na talaga ako, yung tawa nya pang manyak.
Matias: "Ano nga palang sadya mo at nangangapitbahay ka ng maaga?"
Nando: "Tungkol po sa pinagusapan natin kahapon..."
Matias: "AH! OO, yung mga pusa!
Halika, puntahan na natin sila!"Uunahan na sana ni Matias si Nando papunta sa unit nito,
masigla pa syang naglakad... kaso pinigilan sya ni Nando.Nando: "Umm.. Doc, m-mas okay sana kung magsalawal muna ho kayo."
Matias: Namula "Oh sh*t..."
Kumaripas ng takbo si Matias papasok sa kanyang kwarto. Naiwan si Nando na nakatulala.
Sa isip ni Nando: Naka Heart boxers pa sya.. Ang weird ng fashion sense nya.
---
Sa Animal Clinic
BINABASA MO ANG
100 tula para kay Nando (BL)
HumorAlam ni Dr. Matias na walang gamot sa nasaktang damdamin. Kaya upang makabawi sa kapitbahay nyang si Nando, susuyuin nya ito sa pamamagitan ng pagsulat ng tula na para lang sa kanya. Isang kwento tungkol sa panliligaw adventures ni Matias at kung ba...