PARANG PANAGINIP LANG

5 0 0
                                    


Jusko mula nung hindi ka na nagparamdam, parang hindi ko na rin alam kung pano maging masaya.

Ang hirap mong kalimutan! ang hirap mong tanggalin sa aking isipan!

You're so cruel! kayang kaya mo kong tiisin porke alam  mong may gusto ako sayo.


Lagi kitang iniisip, laman ka na rin ng panaginip. "magpaparamdam ka pa ba?" tanong ng puso kong naiinip.

Ang saya ko kaya tuwing kachat ka, nakakalimutan ko aking mga problema. hindi ko naman alam na panandalian lang pala, sana pala sinulit ko na.

Cant get you out of my mind talaga! lahat naman nasubukan ko na bakit ka ba ganyan? parusa ka! nakakainis wala akong magawa!

Ano bang problema bakit bigla kang nawala? pls gusto kong malaman!  ang daya mo naman bigla ka na lng nang iwan.

Naiilang ka na ba kasi napagtatawanan ka na? answer me pls! paano mo ko natitiis?

Isang hi lang, kahit isang hi lang mula sayo magtata-talon na naman sa tuwa panigurado tong malungkot na puso ko!

Lalayo ka na ba talaga? ayaw mo na ba? deretsahin mo na kasi para hindi na umasa pa!

Ang hirap nung ganito yung tipong mag mo-move on ako kahit hindi naman naging tayo. pero wag kang mag alala lahat ng to ay kasalanan ko, naging marupok ako, sinunod ko bulong ng aking puso.

O pano 'gang dito na lng. pag nagkita  tayo dedmahan na lang. parang walang nangyari, parang wala akong naramdaman. mahirap man pero susubukan kong ituring na ang lahat ay parang panaginip lang.



PARANG PANAGINIP LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon